Hindi nila tinanggap.

Ngayon pa nahiya?

"They won't let us. We're dirty."

Sa plaza.

Pinapanuod ko lang na kumain yung tatlong bata. 

Grabe halatang gutom na gutom.

"Wanna eat with us?"tanong ng babae.

"No."tipid kong sagot.

"Ate tama na english. Nosebleed na ako."sabi nung matabang batang lalake.

"Eh baka hindi naman yan nakakaintindi ng tagalog."sabi nung isang nakacap   na batang lalaki.

"Eh di tanungin natin."

"Nakakaintindi ka ba ng tagalog?"sabi ng mataba.

"Oo."

"Kitams? Oo daw."

"Salamat po sa paglibre ninyo sa'min ahh.."

Tumango lang ako.

"Tss... Nasa Pilipinas naman kasi paenglish english pa." sabi nung babae.

"Grabe ka ate Chi.. Nilibre na nga tayo."

"Sa Heidlegard ka rin po ba nag-aaral?" tanong nung mataba.

"Oo."

"Ui, Cap! Schoolmate nya si ate!"

"Sinong----"

"Happy Birthday Chub!"

"Xander?"

"Ate!!!"nagsitakbuhan yung bata kay Xander.

"Ang tagal mo ate..."

"Sorry... May ginawa kasi si ate."

"Ang importante dumating sya."si Cap.

"Oh heto yung cakes. Happy birthday Chub!"

"Ang dami naman neto ate."si Chin.

"Tanggapin nyo na lang. Minsan lang naman tayo magkitakita. Kumain na kayo?"

"Opo. Nilibre nya kami."sabay turo sa akin.

Saka lang uli ako napansin.

"Pres?"

"What?"

"Salamat Pres. Ang bait mo naman..."(^___^)

"Ate uwi na kami. Naghihintay si Tatang eh... Salamat sa cake!"

"Next time uli ate!"

"Sige. Ingat kayo. Bye."

"Bye po kuya. Salamat."

Magkatabi kami ni Xander habang nakaupo na nagpaalam sa tatlo.

Naglalakad na yung tatlong bata nakatalikod palayo ng magsalita si Chub.

"Sa tingin mo ate Chin bagay si kuya kay ate?"

(^___^)

"Hindi."

"Grabe sya makatitig 'no?"

(O o O)

Ano daw?!

"Halata naman eh..."

"Uy kayong dalawa.. Ang babata nyo pa ganyan na nasa utak nyo!"

"Tara na nga!"

Hala? Baka narinig ni Xander!

 Bigla akong tumingin sa kanya.

Nakasandal na sya sa bench. Tulog?!

"Xander?"

My First Chaotic Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon