29: Their Dating

165 3 7
                                    

Troy’s P.O.V.

Magkakasama kaming lima sa table dito sa canteen. Ako ang poging si Troy, ang dalawang ugok na si B1 at B2, si Kyle at Xander.

“Fourth year na tayo.. Eiiie… Ang bilis ng panahon….Gagraduate na tayo.. Woooh!”sabi ni B1.

“Siguraduhin mo lang na wala kang bagsak!”si B2.

“Tol! Wala no!”

“Ano ba yan… Ang tahimik grabe…. Namimiss ko ang ingay ni Gray.”

“Nagtatrabaho nay un. Nananahimik sa boring nyang opisina.”

“Ba’t ba kasi nagpaccelerate pa sya?”

“Eh gusto eh.. Matalino naman.”

“Nauna pa tuloy sa’tin gumradweyt.”

“Ganun talaga.”

“Hoy B1, B2, tumugil nga kayo dyan! Pinaguusapan nyo yung mga wala. Nasisira ang mood nung dalwa oh…”

“Ay sorry Xander, Kyle.”busy yung dalwa na magreview para sa finals ng first sem.

“Hi Troy! Hi guys!”

“O, ano yun Darsi?”may dala syang tray at papunta sa territory kasama ang kanyang mga alalay.

“Narinig nyo na ba ang balita?”

“Spill it out. Balita ka pa dyan. Tsismis yan eh…”

“Balita to no! Kaizel and Frank are dating!”

Napukaw naman ang interes nina Xander at Kyle mula sa pagbabasa.

“Kailan pa?”tanong ni B1.

“We don’t know. But Kaizel confirmed it. She and Frank are dating since naging Deans lister na sya last sem.”

“Ok.So? Anong pakialam namin dun?”

“Eh dib a katropa nyo yung Lot? Yung mataba na unang kaclose ni Xander na pumunta ng abroad last week at biglaang nagtransfer?”

“Ah.. Oo. “

“Anong konek ni Lot kay Kaizel?”tanong ni Xander.

“OMG! Di nyo alam? “

“Darsi… Magtatanong ba kami kung alam namin?”si B1.

“Oo nga.”si B2.

“Well… Your dear friend na si Lot, Kaizel dumped him and ipinahiya sya last week. Eto yung video oh….”

Bluetooth. Send.

Xander’s P.O.V.

8:30 P.M. of the same day. Parking lot.

“Ba’t mo sya sinaktan? Ha? Sumagot ka!”tanong ko kay Kaizel.

“I dumped him. So what? Anong pakialam ng tropa nyo?”

“Tinulungan ka nung tao na maging Deans Lister. Tapos ganon igaganti mo?”highblood na si Troy.

“Una pa lang, alam nya namang ginagawa ko yun para kay Frank eh. Ano naman ngayon? Anong problema if I dumped him Troy? Baka naman nagseselos ka Xander kasi kami na ni Frank?”

“Hindi yun ang issue dito Kaizel. Ang bait ni Lex sa’yo. Iginagawa ka nya ng snacks. Naging tutor mo for two years at wala syang hininging kapalit… Pero bakit mo ginawa yung nasa kumakalat na video? Sinaktan mo yung tao….” si Kyle. Biglang namang naging guilty at takot ang mukha ni Kaizel.

“Nakakainis na kayo ha? Sinong gustong pumatol sa baboy ha?!” naging palaban uli ang expression nya.

“Ganyan ang tingin mo kay Lex?”tanong ko.

“Gosh!!! Di ba halata? F-A-T? PIG? Ang friend nyo. You don’t expect me to go out with a PIG right?”

“Eh gago pala ‘to eh….”Biglang naitulak ni Troy si Kaizel na napasalampak sa daan.

“Ouch…. You assholes! You’re gonna pay for this!”parang dragon na sabi ni Kaizel.

“Grabe.. Ibang-iba na ang ugali mo. Ano bang nangyayari sa’yo? Hindi ikaw ang unang kaizel na nakilala namin.”

“Don’t act like we’re close friends. You still don’t know me.”

“Hey!”biglang dumating si Frank. Naging maamo naman ang mukha ni Kaizel ng dumating si Frank.

“Frank….. Pinagtutulungan nila ‘ko….” Biglang maiyak iyak si Kaizel….

“Hah!” Pumapalakpak na sabi ni Troy. “Grabe…. Mananalo ka sa FAMAS! Best Actress!”

“Troy tama na. Walang patutunguhan to.”sabi ko.

Nakayakap na si Kaizel kay Frank at humahagulhol.

“Ano bang problema nyo sa girlfriend ko?”sabi ni Frank.

“Girlfriend mo na sya?”sabi naman ni Kyle at biglang napatingin sa’kin.

“Yes. She’s my girlfriend and you don’t have the right to hurt her. Ano bang problema?”

“Tssk… Tanungin mo yang gf mo, former student council president. Kung hindi sya magsasabi ng totoo… Panoorin mo yung video… Nasend ko na. Xander, Kyle, uwi na tayo. Good luck sa relasyon nyo…”

After one week…..

Nagkakaslubong kami ni Pres minsan sa hallway… Magtitinginan.. Court nod. Ganun lang.

Ganun talaga.

Hindi naman lahat ng nagiging kasama sa college kailangang maging close di ba?

Simula nung narinig ko yung sinabi nya kay Darsi, sa resort, naging pormal na ang trato naming sa isa’t isa sa school. Yun bang parang biglang may pader na nabuo sa pagitan namin. At habang tumatagal, kumakapal ang pader….

Isa pa… Sila na ni Kaizel…

Yung gabi sa resort, yun ang una at huli kong pag-iyak sa issue ng damdamin ko kay Frank. Move on move on din pag may time…..

Sa bahay…

“Grabe…. Ang sama ng ugali nung Kaizel nay un ahh… Hoy kayong dalawa!”

“Ano?” tanong namin ni Kyle.

“Ba’t wala man lang kayong reaksyon?”tanong ni Troy.

“Para sa’n pa Troy? Ang mas maganda kausapin natin si Lex.”

Tot.tot.tot. May tumatawag kay Troy.

“Mukhang hindi maganda yun Xander. Kaya nga biglang nagpalipat ng school si Lex para umiwas na rin sa isyu. He needs space.”sabi naman ni Kyle.

“O ba’t naman biglang nalungkot ka Troy?”

“Tumawag si Tatay mula sa probinsya. “Mukhang maiiyak na si Troy.

Lumapit kami ni Kyle.

“Tol anong problema?”

“Si Lola, patay na….”

My First Chaotic Love StoryWhere stories live. Discover now