Elementary palang kami noon magkasundo na kami, marami kaming pagkakapareho ng gusto kaya naman naging matalik kaming magkaibigan. Hanggang sa nag-high school na kami napakaswerte ng pagkakataon at naging magkaklase parin kami. Lagi kaming magkasama noon, mag mula umaga hangang pagkatapos ng klase ng hapon. Minsan lumalabas din kami, kumakain ng isaw at kung ano-ano pa. Madalas nga kaming mapagkamalang magkasintahan, nakakatawa nga eh. Pati si mama dati akala nya manliligaw ko. Simula noon tinuring na namin ang isa't isa na best friend kaya nagkaroon kami ng call sign bilang magbest friend syempre.
Marami kaming naging pangarap ni 'buzz' (tawagan namin) at gusto naming matupad lahat yun ng magkasama. Hanggang sa nag-college kami, well gusto kong magtravel around the world at siya naman gusto nyang maging piloto kaya hindi magkaiba ang Course na kinuha namin. Nag-tourism kaming dalawa.
Mas lalo pang naging malalim ang pagkakaibigan naming dalawa na hindi nalang namamalayan na nahuhulog na ko sa kanya. Ngayon ko lang napatunayan na mahirap pala kapag sa best friend ka nagkagusto kase hindi mo alam kung paano i-express ang feelings mo and at the same time maiisip mo na paano ba pigilan kase mararamdaman mo nalang na parang nagiging traydor ka sakanya. Na pakiramdam mo mali kase iisipin mo na pano kung magtapat ka nalang pero papasok din yung paano kung may magbago.?
Lumipas ang taon at 2nd year college na kaming dalawa ni 'buzz' at dito may nakilala kaming babae na naging kaibigan din namin. Masaya syang kasama at super jolly nya. Simula non madalas ko nang makita si 'buzz' na kakaiba yung ngiti at tawa nya tuwing nagpapatawa o nagkwekwento yung isa. Pakiramdam ko, alam ko na yun kase kahit kailan namn hindi sya naging ganyan sakin non o baka hindi ko lang napansin.?.. Masakit..pero kaya ko pa namn, masaya ako basta masaya sya.
Isang araw, habang pauwi naguusap at nagtatawanan kami ni 'buzz' sa daan.Wala yung isa kaya dalawa lang kami ngayon. May gagawin kase sa school na party para sa 1st and 2nd year college at kasali sya sa naatasang magdecorate nasa Arts and Design kase ang Course nya. Nang nasa pintuan nako ng condo ko, lagi nya kase akong hinahatid eh. Biglang may tumawag
"Sino yan 'buzz'?" tanong ko pero tinignan nya lang ako at ngumiti tapos sinabing "Secret"..Nang nagsalita yung nasa kabilang linya hindi nako nagulat nung narinig ko ang pamilyar nyang boses.."Oo, papunta nako" sabi nya sa kausap sa kabilang linya. Tapos nagpaalam na syang aalis na sya, importante dw kase. Nagduda nako non, mas lalo lang akong nasaktan..ang masakit pa bilang isang best friend, bakit di man lang sya magkwento o magsabi manlang ng kahit konting hint sakin..kaya namn naisipan kong medyo dumistansya sa kanila twing magkakasama kami para namn magkaroon sila ng privacy. Kaya basta magkakasama kami nauuna nalang ako ng konte.
"Buzz! Ang bilis mo maglakad ah, di pa naman tayo late eh, may hinahabol ka ba?"tanong nya mula sa likod..napansin nya yata
"Ahmm..ano kase..ahmm..para sayo naman to eh, ayw mo nun para maganda diskarte mo" pabulong kong sabi sa kanya yung sakto lang na hindi marinig nung isa
" Ano?" tanong nya na parang wala syang maintindihan sa sinasabi ko
"Eh kunwari pa to! Kala mo namn hindi ko napapansin.."
" Buzz, kumain ka ba ng break fast mo?"
"Suusss!..una nako!" sabay takbo ko papuntang building namin. Tinawag nya pa ako ng dalawang beses pero di ko pinakinggan. Pagdating ng uwian, don nya na ko kinulit ng kinulit
" Uy...'buzz' puros ka Korus kanina, ano ba yung sinasabi mo kaninang umaga?" tanong nyang paulit ulit kanina pa.
"Ewan" sabi ko nalang "tampo ako sayo ah!" dugtong ko pa
" Bakit? Ano nanaman to ..paiba iba ka ng topic"
" basta tampo ako sayo.."
Magsasalita pa ulit sana sya ng may tumawag ulit sa kanya pagkatapos nagpaalam na lang na aalis na sya.
Nakakatampo talaga kainis! Bakit kailangan nyang magtago? Kung sabagay ako nga may tinatago sa kanya eh. Dumating yung araw bago yung party, tapos kailangan may date ka sa party. Dahil lalaki naman ang nag-aalok buong araw akong naghintay ng mag-aalok pero wala..yung iba nakatingin lang pero maya-maya lang pag may nakitang kaklase ko aalis nalang basta.Kaya si 'buzz' nalang ang hinihintay ko kase noon pa man kaming dalawa palagi ang partners dati pag prominade nung high school kaso naisip ko syempre ying isa yung aalukin nya para maka-date..haaayy..hindi ko nga sya nakita ng maghapon eh..pati pala yung isa wala din ..nagpasya nalang akong wag nalang attend ng party kahit required.
Dumating ang bukas at si 'buzz' wala manlang paramdam, mag-isa rin akong umuwi kahapon, kailangan ko na yatang sanayin yon. Alam ko abala ngayon yong mga estudyante sa pagsho-shopping o kaya pag-aayos ng sarili para sa party. 5 pm kase yung start non. Magro-grocery nalang ako.
Pumunta ako sa mall, namimili ako ng mga libro nang makasalubong ko yung isang kaklase ko kasama yung mama nya..
"Nakapamili ka na ng isusuot mo para mamaya?" tanong niya
"Uhmm..Hindi na kase ako pupunta eh ..kaya..naggro-grocery nalang ako"
"Huh?!..bakit?..hindi-"bigla nya kong hinawakan sa magkabilang balikat "kailangan nandon ka..diba??.required yon tsaka baka mapagalitan ka nung prof. naten" pangungumbinsi nya
"Hindi..okay lang nama-"
"Hindi!"pinutol nya ko kaagad.. bakit ba sinisigawan nya ako?
"Bahala ka ..baka pahirapan ka non..terror pa namn non..paglinisin ka sa gym"
Napaisip ako..Oo nga noh?.pano kung paglinisin nya ako sa gym MAG-ISA!..ayoko namn ah..no, hindi pwede.."Tignan ko...hindi..pupunta nalang ako kaso..wala kase akong date" nahihiya kong sabi..tapos lumapad ang ngiti nya..." Okay lang yun..pareho naman tayo eh..tayong dalawa nalang magkasama kung gusto mo"sabi nya
"Gusto ko yan..cge"
