Sa mga pagkakataong iyon ay gusto ko siyang yakapin o kahit hawakan man lang ang mga kamay niya at sabihing, ‘Huwag kang mawalan ng pag-asa. I’m here. I’ve always been here.’ Pero for the nth time, hindi ko na naman nagawa at nasabi sa kanya ang mga iyon.

“Pero alam mo… sa mga panahong kinikilala ko ang pagkatao ko, may isang taong hindi umalis sa tabi ko. May taong palaging nagsasabi sa’kin na huwag akong mawalan ng pag-asa.”

Parang biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa mga sinasabi niya. Nag-simula akong mag-bunot ng paisa-isang damo para aliwin ang sarili. Sa ganitong paraan man lang ay mailabas ko ang bigat ng loob ko. Dahil alam ko kung sino ang tinutukoy niya at malabong maging ako ‘yon. Kahit na gustuhin ko… kahit na alam kong dapat ay ako iyon… alam kong imposible.

“’Yong taong ‘yon, palaging pinapakita sa akin na kahit kailan, hindi ako mawawalan ng taong masasandalan. Pinaparamdam niya sa’kin na hindi ako nag-iisa at sabay naming bubuuin ang pagkatao ko.” Huminto siya panandalian at maya-maya pa’y muli siyang umupo. “Feeling ko nga nagkakaroon na ak—”

Hindi ko kayang marinig ang huli niyang sasabihin kaya naisipan ko nang tumayo at mag-lakad palayo. Agad naman siyang sumunod habang tinatawag pa ako.

“Justine! Huy! Ang daya mo naman, e. Hindi pa kaya ako tapos mag-kwento!” reklamo niya nang mahabol niya ako.

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. “Hindi ako interesado, okay?”

Kalungkutan at sakit ang sa tingin ko’y bumakas sa mukha niya nang sabihin ko iyon. Hindi ko din alam kung bakit ko nabitiwan ang mga salitang iyon sa kanya. Interasado ako sa lahat ng bagay na tungkol sa kanya lalo na’t mahigit isang taon kong hinintay ang pagkakataong muli siyang makausap. Pero kahit kailan, hindi ako naging interesado sa anumang sasabihin niya tungkol kay Aaron. Ayoko. Hindi ko kaya. Mahirap masaktan.

Hindi siya sumabay sa akin pabalik ng hotel.

Natapos na akong kumain ng dinner ngunit hindi pa rin siya dumadating.

Mali ata ang ginawa ko. Tss!

Agad kong kinuha ang hoodie ko sa kwarto namin at naisipang bumalik sa Burnham Park para hanapin siya. Pagdating ko naman sa lobby ay nakita ko siyang pasakay na ng elevator. Para hindi niya ako mapansin ay hinayaan ko muna siyang makasakay at saka ako nag-palipas ng ilang minuto sa labas.

Noong pabalik na ako ay pareho kaming nagulat sa isa’t-isa noong pagbukas ng elevator. “Saan ka galing?” mahinang tanong niya habang lumalabas ng elevator.

“Nagpa-hangin lang. Matutulog na ako,” paliwanag ko at saka sumakay ng elevator.

Gustuhin ko mang tanungin kung saan siya pupunta ay hindi ko na ginawa. Ayoko munang magpakita ng concern sa kanya sa ngayon dahil na rin sa ugaling inaasta ko towards her.

Ten-thirty na ng gabi ay hindi pa rin bumabalik si Aaliyah. Nag-simula na akong mag-alala kaya kinuha ko agad ang cellphone ko at nag-simulang mag-type ng message para tanungin kung nasaan na siya. Noong isesend ko na ay bigla namang bumukas ang pinto.

Hindi siya umimik nang makapasok na siya. Dumiretso lang siya sa kama niya at saka nahiga. Ako naman ay nag-kunwaring abala sa tina-type ko sa laptop ko kahit na kung anu-ano lang naman talaga ang ginagawa ko doon. Ilang saglit lang ay kumuha na siya ng pamalit na damit at saka nag-punta sa banyo.

Nang makalabas siya’y muli siyang nahiga. “Hindi mo pa ba papatayin ang ilaw?”

As usual, hindi ako sumagot. Sa halip ay tumayo na lang ako at pinatay ang ilaw. Nag-desisyon na rin akong patayin ang laptop ko at matulog na.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon