KABANATA 5

155 27 1
                                    

"Ate!" tawag sa'kin mula sa labas.

"Ay Tyler!" nasabi ko bigla.

"Kakain na Ate, at sino si Tyler ha?" usisa naman ng chanak na 'to.

"Wala, sige na lalabas na 'ko, alis na," pagtataboy ko sa kanya

Napatingin naman ako sa phone ko na wala pa ring reply mula sa lalakeng 'yon.

Iniisip ko kung umiiwas na ba ito ngayon dahil sa pag-amin ko sa kanya. Napupuno na rin ng negative thoughts ang utak ko dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang reply.

Nang matapos kumain ay agad kong tinignan ang phone ko, nagbabakasakaling may reply na siya at hindi naman ako nabigo dahil meron na nga pero may kaba naman akong nararamdaman.

Tyler sent you a message.

Dahan-dahan kong binuksan ang laman ng mensahe.

Tyler: Ahahaha

Hindi ko alam kung maiinsulto ba ko sa sinagot niya o ano.

Really?! 'Hahaha' lang sagot niya?! Sigaw ng isip ko.

Me: Ganda ng sagot ah.

Reply ko sa kanya.

Tyler: Eh, ano ba gusto mong sabihin ko??

Me: Wala

Tyler: 'Di ko naman kasi alam kung ano sasabihin

Me: Bayaan mo na nga. Kumain ka na ba?

Pag-iiba ko sa usapan.

Mula no'ng mga araw na 'yon hindi ko naman naramdaman na lumayo o dumistansya siya sa'kin, in fact, parang mas naging malapit pa kami sa isa't-isa, tipong araw-araw na talaga kaming magka-chat.

Nandiyan na yung nagpapaalam siya kapag may pupuntahan siya, mga tanongan na 'Kumain kana ba?', 'Ba't hindi ka pa natutulog?' At marami pang iba.

Me: Hanze, hahaha mas gusto kong tawag sayo yung second name mo.

Tyler: 'Wag

Me: Bakit may tumatawag ba sayong ganyan kaya ayaw mo??

Tumaas naman ang aking kilay.

Tyler: Wala naman, hindi lang ako sanay kasi wala naman tumatawag sa'kin niyan.

Napangiti naman ako sa nabasa.

Me: Good ako nalang.

Everyday I found myself falling for him but I'm scared, lalo pa't hindi naman siya nagsabing gusto niya rin ako.

Dumating ang araw na hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko at nasa point na rin naman ako ng 'umamin na 'ko kaya lulubos-lubusin ko na at bahala na kung anong mangyari pagkatapos'

Me: Hanze I'm falling

Hanze: Ha? Diko gets? Na-fall ka sa'n? Sa sahig?

Me: Pag nahulog ba 'ko, sasaluhin mo 'ko?

Tyler: Hindi mabigat ka eh.

Nakakainis talaga 'to! Sarap balatan ng buhay, isip ko.

Me: Ediwow!

Tyler: Totoo naman ah.

Nangatwiran pa.

Me: Nevermind.

Lumipas ang ilang taon ay eto pa rin kami nag-uusap, but it was been hard for me to communicate with him at the same time knowing that I was the one who initiated my feelings for him, ayon syempre natatakot ako na baka mamaya lumayo na siya, o'kaya naman baka ma-friendzone lang ako.

Pero ang haba lang naman ng hair ko dahil umamin na rin siya sa'kin, nagsasabihan na kami ng 'I love you'.

Everything was unexpected, dahil hindi ko talaga siya makitaan no'n ng interest sa'kin although minsan i-ni-i-spoil niya 'ko o minsan nakikita ko ang pag-aalala niya sa'kin.

And for months, I've learned that hindi siya katulad ng ibang lalake na super sweet, he has his own way to show his sweet side and I love that about him even if madalas napakasuplado at sungit niya.

Hanze: Soon magkikita tayo.

Me: Kailan yung soon?

Hanze: After 9 years

Me: Ba't ang tagal pa?

Hanze: Syempre gawin mo muna lahat ng gusto mong gawin tsaka magtapos muna tayo sa pag-aaral.

Naisip kong tama naman siya.

Me: Hmm oo nga 'no sige-sige after nine years.

Hanze: Good. Pero wag ka muna masyadong maging excited o kung ano pa man kasi 'di natin alam anong mangyayari sa loob ng siyam na taon.

Another thing na nagustuhan ko sa kanya, he's not making any promises unless kaya niyang tuparin 'yon.

Me: Eh basta magkikita tayo after 9 years.

Months passed ando'n pa rin yung love and all between us at ngayon one year na kaming magkakilala.

Me: May naalala ka ba love?

Hanze: Ano ba meron ngayon?

Naging isang linya na naman ang mga mata ko, kahit kailan talaga ang sarap ng bigwasan nito.

Me: Ewan ko sayo! Balakajan.

Hanze: Hahaha 'to naman happy one year Ela! Love kita.

And with that natunaw yung tampo ko sa kanya. Tumibtibok talaga yung keyboard.

Me: Happy one year din love! Kala ko nakalimutan mo na eh kundi nako ka.

Hanze: Ba't ko naman makakalimutan 'yon eh 'yon yung araw na nakilala kita.

Me: Asuus, love din kita.

Sa loob ng isang taong kinikuwento ko si Hanze sa mga kaibigan ko. Alam kong may kaunting pagtutol sila samin, pero anong magagawa ko, mahal ko na siya at mahal naman din niya 'ko.

Senior high na 'ko ngayon, second sem na at nagkaroon kami ng problemang magkakaibigan kaya eto halos hindi na kamu nagkakasama-sama, 'di naman totally magkaka-away pero may misunderstanding lang but it 'caused us to be separated at hanggang ngayon 'di pa rin nag-uusap si Sandra at Kaila.

Hanggang matapos ang school year ulit, 'di pa rin sila nag-uusap. About naman samin ni Hanze, I discovered something new since may sinasalihang group sa FaceB si Hanze, and I told him na isali ako, syempre mahirap na kaya kailangan bakuran minsan pero 'di ko naman pinaalam na ako yung special someone ni Hanze, sinabi niya daw kasi dati no'ng may nagtatanong kung may girlfriend siya ang sagot niya lang ay,

Hanze: May special someone ako.

Kinilig ako syempre, ayaw niya daw sabihin ang pangalan ko no'ng una nainis ako dahil parang ayaw naman niyang ipaalam yung tungkol sa'kin pero 'yon pala ay dahil para daw sa privacy ko kaya ayaw niyang sabihin ang name ko lalo na hindi ko alam. Another thing na nalaman ko rin about kay Hanze hindi siya gagawa ng isang bagay ng walang rason.

Kaya ang perspective ko sa mga lalakeng mas bata sa'kin ay nagiba dahil nasa tao pala 'yan kung nag-mature siya o mas pinipili niyang maging immature.



***
IH | IssiaHermosa

Nine Years (PUBLISHED UNDER IMMAC PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon