TBC 2

8.1K 141 7
                                    

TBC 2

HOSHI'S POV

"It's you! Ikaw yung nakita kong nang rape, oo, yung nang rape!" Sigaw ni Wona kay Prinz Max habang nasa canteen.

"What? What are you talking about?" Takang tanong ni Prinz Max.

"Yeah, it's you!"

"Ako ang alin?"

Gulong gulo na si Prinz Max. Lahat ng tao sa canteen nakikiusyoso na sa nangyayari. I smiled. This is what exactly our plan. Ang siraan si Prinz Max. In that case, makakaganti na kami at papasok na ulit si Ash. Mula ng makita niya kasi si Prinz Max na may kasamang babae, ayun hindi na naman nagpapapasok. Affected na naman.

"Grabe ang pagiging casanova king mo! Babaero! Pervert—" Bintang ni Wona.

"Hep, hep! I know I'm a playboy but I'm not a pervert!" Sabi ni Prinz Max.

=___=

"Listen everyone, especially girls. Ito!" Tapos turo niya kay Prinz Max. "Itong lalaki na ito! Manyakis 'to tapos nagkakandarapa kayo jan?! Ewww."

Biglang nagbulungan at nagsialisan ang mga taong kanina lang ay nakikiisyoso.

"Siguro matagal nang may gusto 'tong babae na 'to kay Prinz Max, halatang naninira eh."

"Let's go girls. We're just wasting our time! Nagpapapansin lang yan!"

"Pathetic! Baliw ba yan?!"

Yan ang mga narinig kong usapan ng mga babae. Ha? Bakit kaya ayaw nilang maniwala? Hays.

"May sasabihin ka pa?" Tanong ni Prinz Max kay Wona.

"Oo! You're a pervert!" Sagot ni Wona.

"Well, you already said that. Kung may sasabihin ka pa, andun lang ako sa table na yun ah? Bye." Saka umalis si Prinz Max na tila walang nangyari.

Nanlulumo si Wona na pumunta sa table namin.

"Sorry. It's not effective." Sabi ko.

"Yaaa! Ako pa ang nasira!? Iniisip tuloy ng lahat na maninira ako! Waa!" Hindi makapaniwalang sabi ni Wona. Tila nagsisisi siya.

Oh my, kasalanan ko 'to eh.

"Sabi ko sainyo, hindi niyo na dapat itinuloy ang mga plano niyo." Pangaral sa amin ni Marie.

I feel sorry. It's all my fault. "Wona, kasalan ko 'to eh. Sorry talaga!"

"Hoshi, okay lang. Hindi naman natin alam na hindi pala 'to magiging effective."

"Hindi eh! Kung hindi ko sana naisip 'to, hindi ito mangyayari!"

"Oh wait! You really feel sorry?"

I nodded.

"Gusto mo talagang makabawi sa akin?"

"Yes."

"Then do what I want."

"What?!"

---

"Sem break na!" Sigawan ng lahat.

Since start na ng semestral break, start na din ng deal namin ni Wona. Buong semester akong maghahanda para sa next sem, I'll be the new Hoshi.

Pina-rebond ko ang kulot at buhaghag kong buhok, nagpagawa ako ng contact lens, namili ako ng mga bagong damit at sapatos.

Ang dating Elizia Hoshi Padua na nerd mula utak hanggang kuko ay ngayo'y sexy, maganda at smart mula kuto hanggang alipunga.

Get ready Prinz Maxwelle Villegas because Elizia Hoshi Padua will be your sweet revenge.

---

"Whoa! New student? Hot!"

"Wow, pare! Ang ganda!"

"Hi, miss!"

Kumaway lang ako sa mga lalaking manghang mangha sa akin. Hindi nila ako nakilala. Kung dati na kahit ata madapa pa ako sa harapan nila eh hindi nila ako mapapansin pero ngayon, isang hakbang pa lang ang nagagawa ko at lahat sila ay napapalingon.

Simula na ng second semester, simula na din ang revenge ko sa casanova king.

Pagpasok ko sa room, halos hindi din ako nakilala ng mga kaklase namin, tanging ang nga kaibigan ko lang kaya naman laking gulat ng lahat ng malaman nila na ako si Elizia Hoshi Padua ang walking google.

"Hi guys. Pwede na ba?" Tanong ko sa kanila.

"Pwedeng pwede!" Sagot ni Wona.

"Naku Hoshi, siguruhin mo lang na magiingat ka sa gagawin mo dahil baka sa huli, mainlove ka din sa kanya gaya ni Ash." Bilin ni Marie.

Speaking of Ash, lumipat na pala siya ng school para daw totally move on na siya. Hanggang ngayon, wala pa din kaming balita sa kanya. Pero she's still a friend kaya pursigido pa din kaming maghiganti.

"Don't worry, Marie. Mukha ko lang ang nabago pero hindi ang utak ko." Sagot ko.

"Iba ang utak sa puso, Hoshi."

"But I'm not dumb to fall inlove with a cassanova king."

************************************

A/N: Salamat sa mga sumoporta agad dito! Mwahugggs ng madami! #TBCPMV

Lame? Bawi na lang sa chapter 3. Po-post ko mamaya!

P.S. Series po ito, again and again. Ang isang story po ay TBC: FORD VINCENT ALMAZAN :)))) Love youuuu! Wait sa ud ng TBCFVA!

TBC: PRINZ MAX VILLEGASWhere stories live. Discover now