Three years ago...
9:00 p.m.
Sinamahan ko siya sa boyfriend niya para magpaliwanag kung bakit kami nalate umuwe. Hinayaan ko na muna sila na makapag usap. After five minutes napagdesisuynan ko na lang na umuwe na dahil may exam pa ako bukas. Nagbalak na akong tumayo ng bigla akong tinawag ng boy bestfriend ko
"Cassie Saan ka pupunta? Sabi niya. Nakikita ko sa mga mata niya na ayaw niya pang umalis ako. Ano kaya ang nangyari sa kanila?
"Uuwe na. May exam pa tayo bukas sinamahan ko lang si Aria sa bahay ng classmate niya tapos uuwe na ako agad saka diba 9 pm na bawal na akong nasa labas HAHAHAAH" tumawa na lang ako baka kasi kahit papaano ay makauwe na ako. Kapag kasi 9 pm na hindi na dapat ako lumalabas ayaw kasi ng bestfriend ko na ganung oras ay nasa labas pa ako.
"Mamaya ka na umuwe. Mag uusap pa tayo" muli niyang sinabi
"Ano ka ba naman bes, kilala mo naman yung prof natin. Alam mo naman kung paano magbigay ng exam si Ms. Cruz Scholar ako. Wala ka bang awa sa maganda mong Bestfriend *pouts*" sana lang talaga effective tong katarantaduhan ko hays. Sana pumayag na siyang umuwe ako *cross fingers* Pumayag na sana siya hays
"Hindi ka uuwe at ako naman ang kasama mo kaya pwede ka kahit lagpas nine pm na" tinignan niya na ako ng masama. First time ko siyang makita na ganun. Never niya akong tinignan ng masama sa limang taon na naging bestfriend ko siya ngayon lang ako natakot sa kanya.
"Okay fine eh di dito lang ako sa gilid. Hays may exam yung tao eh. Kapag ba may exam ka ganyan ako sayo?" Eh magkaklase naman kami hahah ewan ko ba sa mga palusot ko. Save by the bell, biglang may tumawag sa akin. sasagutin ko na sana yung tawag na yun ng bigla niyang kinuha sa akin yung phone ko. Sinagot niya yung tawag na para dapat sa akin.
"Hello pre. Pwede bang mamaya ka na tumawag? Mag uusap pa kasi kami ni Cassie. Importante lang to pasensiya na." Hindi ko alam kung sino ang kausap niya kasi nung titignan ko pa lang kung sino ang tumawag ay kinuha niya na yung phone ko.
"Akin na yung phone ko please. Kasalanan ko bang traffic? Nagsabi naman ako sayo na magkasama kami? Ano bang problema mo dun? Nalate lang naman kami kasi sobrang traffic. Malayo yung bahay na pinupuntahan namin diba? Alam mo yan kasi nagpunta na din tayo dun eh. May exam tayo. Pauwiin mo na ako." Naiinis na ako talaga. Hindi ko naman kasalanan na traffic. Hindi ko din naman kasalanan na hindi pala marunong magpaalam yung girlfriend niya. Sabi niya kasi sa akin nagpaalam na daw siya kaya ang text ko sa bestfriend ko na paallis na kami, kaya pala nagtaka ako nung natanong siya kung saan ako pupunta. hindi ko man lang naisip na nagtataka na pala siya. Minsan talaga tatanga tanga akong bestfriend eh.
Bago niya binigay sa akin yung phone ko ay nag type muna siya. Naabnormal na yata yun eh.
"Basahin mo yan." Agad ko namang binasa yung nasa phone ko "Mamaya ka na umuwi please. Wag ka ng kumontra alam ko naman na matailno ka. Nagpapalusot ka lang na hindi ka pa nagrereview. Feeling ko kasi sasabog lang ako kapag hindi ko nasasabi lahat kaya magstay ka na lang dyan. Magreview ka alam kong dala mo yung notes mo." Sinunod ko naman ang sinabi niya. Umupo na lang ako at nagreview. Hinintay ko silang matapos. Mahigit dalawang oras akong naghintay. Muntikan na nga akong makatulog sa tagal nilang mag usap. Hindi ko na din alam kung anong nangyayari sa kanila kasi nagreview na ako gaya ng sinabi niya. Bigla akong lumapit sa kanya kasi wala na pala yung kausap niya.
"Saan na si Aria?" tanong ko sa kanya. HIndi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya ngayon pero ang nababasa ko lang sa kanya ay galit siya at gusto niyang umiyak. "Uy bes nasaan na nga gf mo? Bakit mo hinayaan umalis? Masyado ba akong busy na magreview para hindi ko malaman na nahatid mo na pala siya? Pwede na ba akong umuwe?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
YOU ARE READING
17 Months
RomanceSa loob ng tatlong taon, wala akong ibang ginawa kung hindi maghintay ng pagkakataon na maibalik ang dati yung dating ako. Simula kasi ng mawala sila. Parang nawalan na din ako ng kaibigan. Ang iniisip ko kaya lang naman nila ako naging kaibigan ay...
