[2] Earth without the Sun

Start from the beginning
                                    


"Multo ka? Imposible! Wala akong third eye no!" Pinagloloko ko netong babaeng to. Wag ganon, takot ako sa multo e.


"Hindi ako multo no. Patay na nga kasi ako! But I'm not a ghost. I'm an angel."

"Maniwala sayo. Psh."

Sumimangot sya tsaka nagpameywang. Ang cute. Hala, nahawa ka na sa kabaliwan nya.

"Ayaw mo maniwala ah. Why not ask the cigarette vendor kung nakikita nya ko?"


 Ano ba gustong patunayan nitong babaeng to? Bumaling ako kay Manong tsaka nagtanong. "Manong, di ba nakikita mo naman tong babaeng to?" Tinuro ko sya na nakangisi.

Sinamaan nya ko ng tingin. "Nababaliw ka ata eh. Tayong dalawalang nandito. Nawala na yung batang kausap mo kanina, pero nagsasalita ka pa din dyan mag-isa. Kanina ko pa gustong lumipat ng pwesto kasi natatakot ako sayo kasi nagsasalita kang mag-isa. Kaya lang hindi ka pa bayad don sa dalawang stick ng sigarilyo na binili mo."

Natigilan ako. Inabot ko muna yung bayad ko at umalisna si Manong. Ako naman, nakangangang lumingon sa kanya.

"Now you believe me?"

"Multo!!!!!!!!!!!!!!!"

"Sabi na ngang hindi ako multo e! Bad spirit ang multo no, and I am not bad! Angel nga kasi ako, angel!" Tapos bigla syang nagliwanag. Yung nakakasilaw na liwanag. "Yes, I am dead. That's why now, I'm an angel."

Biglang nagvibrate yung phone ko. I checked it and saw a text from Kuya Niño.

Bro, gising na si Gins.

My heart almost fell out of place after reading that sms.

 I hugged the angel. Err, ugh.

"Para saan yon?" Nanglalaking mata na sabi netong anghel na kuno na to.

"Pasasalamat? If it weren't for you, wala na yung babaeng pinakamamahal ko."

Tapos naglakad na ko papalayo sa kanya pero bigla akong natigilan nung nagsalita sya.

"I didn't do anything, John Carlo. If there's someone you should be thankful for it's you yourself."

Napalingon ako sa kanya. "Bakit ako?"




"Your sacrifice. Just to let her live." Then she disappeared.

A cold breeze brushed my arms and I was left here standing frozen. Oo nga pala. Yung kapalit. Yung kapalit ng hiniling ko sa kanya. Pag gising nya, hindi na nya ko maaalala at makikilala.


Nakalimutan ko yon.




Naglakad ako papasok. Umaasa na sana hindi magkatotoo yung kapalit ng wish ko. Kahit na alam ko na imposible.

Pagkadating ko, nagdadalawang isip ako kung papasok pa ko. Pero I did anyway.



Pagpasok ko, nandun family nya. Kausap sya ng Mama at Papa nya. Si Kuya Gin nasa gilid. Pati si Sunny at Pauline na bestfriend nya nasa loob. Lahat sila masaya, na gising at buhay na si Ginny.

Masaya naman ako, pero kinakabahan. Umaasa na sana hindi magkatotoo yung kapalit sa hiling ko.

"Oh, iho. Nandito ka na pala." Si Tito Gino ang unang nakapansin sa akin. Lahat sila napatingin sa akin.


Pati si Gins.

"Ginny, anak. Alam mo bang dalawang araw nang walang tulog yang si John Carlo kakabantay sayo."



Nagkatitigan kami. Pinagmasdan ko ang mga mata nya. Hinihiling ko, na sana. Makilala nya ko. Maaalala nya ko.



Nakatitig lang sya sakin. Hindi ko alam sa hitsura nya at sa facial expression nya kung naaalala nya ko o hindi.




Papangiti sya. Shet. Naaalala nya ko.


Pero biglang kumunot yung noo nya. Tapos tumingin kay Tita at Tito. "John Carlo? Sino yon? Wala naman akong kilalang John Carlo ah?" Tapos tinignan nya ko ng buong pagtataka. Halatang naguguluhan sya.




Napatingin sila lahat sa akin. Tsaka kay Gins.

"Utol, okay ka lang ba ha? Boyfriend mo tong si John Carlo." Lalong kumunot yung noo nya nung nagsalita si Kuya Gin.

"Oo nga, anak. Bakit biglang hindi mo sya kilala?"


"Ma, wala talaga akong kilalang John Carlo." Tapos tinignan nya ko. "Salamat Kuya, sa pagbabantay mo sakin. Pero sorry hindi talaga kita kilala."

I was able to mantain my composure the whole time. Kahit na para akong pinapatay habang sinasabi nyang hindi nya talaga ko kilala.

"A-ahh, si-sige po. S-sa labas lang po ako." Tinignan ko ulit sya na nakatingin lang sa akin.



Pagkalabas ko, sinuntok ko yung pader. Fvck. Ang sakit! Hindi ko kaya! Genie! Nasan na ba yung anghel na yon?! Di ba sabi mo anghel ka at tumutupad ka ng kahilingan?! Lumabas ka! Lumabas ka! Lumabas ka dyan sa lungga mo! May isa pa kong hihilingin!!!!


Habang pinagsisigawan ko yun sa utak ko, pinagsusuntok ko yung pader. Tuluyan na kong naiyak.

"Bro." Napatigil ako sa pagsusuntok nang maramdaman kong nasa likod ko si Kuya Gin. Pagharap ko, nandito sila lahat sa labas.

"Iho, anak."  Niyakap ako ni Tita Jenny. Lalo tuloy akong naiyak. 


"Hindi namin alam kung bakit nagkaganonanak."

Umupo kaming lahat dun sa upuan. "Naguguluhan din kami ng Tita mo, anak. Bakit ikaw lang ang nakalimutan nya kung nagkaamnesia man sya."

"Tito Gino, selective amnesia po ang tawag don. Pwedeng dahil sa trauma, may certain place, event or tao ang makalimutan ng isang tao." 


Lahat kami napatingin kay Sunny habang ineexplain nya yung posibleng nangyari kay Gin.

No, it's not selective amnesia.


 It's definitely not any side effects of her accident. 


It's the price I have to pay, just to let her live.

Kahit masakit, as long as she is alive. 




I would choose to live by it.


Even if it means living a lifeless life.

Everything for my EverythingWhere stories live. Discover now