[2] Earth without the Sun

81 4 0
                                    

"Nothing is more important to the Earth than the Sun. Without the Sun's heat and light, the Earth would be a lifeless ball of ice-coated rock. The Sun warms the Earth's seas, stirs its atmosphere, generates its weather patterns, and gives energy to the growing green plants that provide the food and oxygen for life on Earth."

- -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- - -- -

"Iho, I think you should rest. Kanina ka pa nakabantay. Wala ka pang tulog." Sabi sakin ni TitaJenny.  Kanina ko pa kasi binabantayan si Ginny.

Himala daw syang nabuhay ulit. Dadalhin na daw sya sa morge pero biglang tumunog yung ecg machine at nadetect na may heartbeat na sya. But now, she's still unconscious. Mag dadalawang araw na.

"Bababa lang po ako Tita. Magpapahangin lang po, pero saglit lang. Babalik din po ako kaagad."

Lumabas na ko at bumaba sa groundfloor. Lumabas ako ng ospital tsaka bumili ng sigarilyo. Minsan lang ako naggaganto. Pag sobra akong nag-aalala.

Bakit hindi pa sya nagigising? Baka naman niloloko lang ako nung lalaking yon. Pero, declared dead na si Gins nun e nung sinabi ni Kuya Niño na buhay si Gin.

Pero baka paasa lang sya. Baka ilang araw lang gumana yung wish ko sa kanya. Tapos mawawala bisa.

"Buhay sya. Wag ka mag-alala." Isang maliit na batang lalaki ang biglang nagsalita sa tabi ko.

"Sino ka bata?" Sabi ko sabay tapon nung sigarilyo sa lupa tsaka tinapakan kahit wala pa sa kalahati nauubos ko. Ang pangit kasi manigarilyo sa harap ng bata.

"Ako to. Si leap of faith wish grantor."

"Ginagago mo ba talaga ko? Nung una, matandang babae ka. Tapos matandang lalaki. Ngayon, bata naman? Ano ka ba talaga?" Nakakapika na e. Pero kinakalma ko sarili ko.

"Cool ka lang. Isa to sa power na binigay sakin ni Bossing."


Sino ba yung bossing na yon? Kaurat. "Sino ka ba kase? Tsaka pwede ba, bumalik ka sa totoong hitsura mo. Nakakaurat makipag-usap ng ganto sa bata nagmumukha akong masama."

"Ako nga kasi si leap of faith wish grantor mo."

"Ha-ha-ha-ha. Alam mo bang ang abnormal kung tatawagin kitang mr. leap of faith wish grantor? I'm asking for your real name. And please, yung default na katawan mo gamitin mo. Kung ano man yon."

Tinalikuran ko sya. Tapos bumili ulit ako dun sa nagtitindang matanda ng sigarilyo na masama kung makatingin sakin. Bakit kaya? Hindi ko na lang pinansin.



"Ako si Genie!" Pagharap ko sa kanya, isang kasing edad na magandang babae ang bumungad sakin.

Natulala ako.

"Hoooy. Sabi ko default na katawan mo."

"Oo nga. Eto yung default ko na katawan. Isa akong napakagandang babae."

Talaga ba? "At kapangalan mo pa girlfriend ko ha."

"I am Genie with a G-E-N-I-E not G-I-N-N-Y."

"Okay okay. So ano ka ba talaga? Pwede ba pakiexplain mo sakin lahat? Kasi naguguluhan ako. Tao ka ba talaga?"

"Yep, tao ako. Pero patay na ko!" Tatawa tawa nyang sinabi. Bigla akong kinilabutan. Lahat ata ng buhok ko sa katawan, nagsitayuan. Patay na sya? Imposible!

Everything for my EverythingWhere stories live. Discover now