"Ang galing ,galing talaga ng mga anak ko. Manang mana sa ama." Si papa hawak na naman ang sigarilyo nito.

"Wala kaming ama na kasing ganid mo animal ka!" Nakita kong tumiim ang titig ni papa kay ate.

"Itali sila at dalhin sa kulungan ng mga daga!"  Hinuli kami ng dalawang nakabonit at tinalian.

"Pakawalan mo kami papa! Pakiusap a-anak niyo kami, maawa ka." Pakiusap ko.

"Wa'g mo siyang tawaging ama ,Angel. Wala tayong ama." Malamig na aniya ni ate sakin.

Nanlulumo akong sumunod sa mga humila sa amin. Apat na lalaki ang nakabantay sa amin. Wala na kaming kawala.

Isang mabaho at madilim ang aking dinaanan. Binuksan ng lalaki ang isang pintuan na may malaking kadena. Napasinghap kami ng hinawakan ng dalawang tauhan ni papa ang dalawa kasamahan nito sa ulo at ilang beses na pag ingay ng mga buto nito sa kanilang leeg nawalan ang mga ito ng buhay. Binagsak nila ang dalawang walang buhay na katawan sa sahig at inangat ang bonit.

Dinamba ako ng isang ng mahigpit na yakap at hinalikan ako ng mariin sa labi. Naramdaman ko ang malamig na dingding sa akinh likod.

"F-Fuck sweetheart. I'm sorry." paulit ulit na pag sambit ni Leon sa aking pangalan habang pinaulanan ako ng halik sa mukha.

Dumaloy ang aking luha at sinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib.

"Oh Leon! L-Leon!" buong pagmamahal at pangungulila ko siyang niyakap. Nagpanggap silang tauhan ni papa! Kaya pala sila nakabonit!

"Stop that Leon, kailangan muna nating makaalis dito." sabi ni Diego habang nasa tabi ni ate.

Niyakap ako nito ng mahigpit. "Hinding hindi mo na ito mararanasan ulit. Fuck, patawarin mo'ko."

"Come on Leon! Mamaya na 'yan!" Mabilis nila kaming hinila. Iba ang daan na aming tinahak.

"Leon, paano tayo aalis dito? Nasa dagat tayo." bulong na tanong ko dito.

Hinalikan ako nito sa labi. "May nakatago kaming speedboat sa ibaba. Yun’ ang gagamitin natin."

Tumango ako. Wala nang oras para makipag usap. Tsaka na ako magtatanong kung ayos na ang lahat. Sa ngayon, kailangan na muna naming makaalis.

Nakarinig kami ng putukan ng baril.
"Fuck, anong ginagawa ni Marco? Klaro ang usapan na dapat makaalis muna tayo bago siya mag ingay!" Swabeng sabi ni Diego at hinilot ang noo.

"Siguro may naka engkwentro na siya. Alam mo ‘yun,hindi yun makatimpi, nagagalit agad." Sabi ni Leon.

Lumabas kami ,nasa likuran na bahagi na kami ng barko. May daanan pababa kung saan makakasakay sa speedboat na nandoon. Sinipat muna ni Leon ang paligid kung may nakabantay.

"Clear!"

Unang pumunta sa ilalim ay si Diego. Sumisilip kami sa kanya at nakitang sumenyas kay ate na bumaba. Sumunod si ate sa ibaba.

"L-Leon, si papa-"

"Maraming bomba sa paligid ,Angel." Hinalikan na naman ako nito.  Damn, may nerbiyos na ako sa bomba. Nakita naming tinulak na ni Diego ang speedboat sa dagat.

Sumunod kami ni Leon sa ilalim. Narinig ko agad ang gangis ng dagat. Patuloy parin ang putokan. Tumakbo kami ni Leon nang may nakita kaming anim na tauhan.

"Ayun sila!" Sigaw ng isa nang makita si Diego at ate.

Mabilis kaming nagtago sa pader at nakipagpalitan ng putok si Diego at Leon.

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedWhere stories live. Discover now