Mga tsismosa!

Nasan na ba yung si fili-----

"Ate zeime!!pasensiya na at natagalan ako!"hingal na aniya.Inis ko siyang tiningnan at kinunutan ng noo.

"Bat ba ang tagal mo?"tanong ko napakamot na lang siya ng kanyang ulo.

"Si ate kasi ang dami pang sinasabing litanya!tsaka ang bilis mong maglakad kaya!"

"Sa lahat ng kilos ay dapat kang mabilis upang hindi ka mapag-iwanan ng oras.."saad ko at mas lalo siyang napakamot ulo.

"Hindi ko maintindahan ang iyong ibig sabihin ate zeime.."

"Slow."tanging sagot ko na lang.

Nakarating na kami sa bayan at iting si filina hindi naubusan ng sasabihin!kulit!

"Alam mo ba ngayon lang namin nabalitaan ang ganong pangyayari dito sa aming bayan.."duon ako nagka-interes sa kanyang sinabi pero hindi ko iyon pinahalata.

"Ang alin?"kunwaring hindi ko alam.

"Iyong balita na mayroong nagpatay sa dalawang gwardiya sibil!tiyak na isang gulo ito!naku ang lakas ng loob nung pumatay ah?pero kahit na ganun ay may puwang rin sa aking puso..sa aming puso sapagkat ay may naglakas na ng loob na lumaban.."mahaba niyang paliwanag at napatango na lang ako.

"Hmm.."sagot ko na lang at gulat naman niya akong nilingon!

"Hindi ka ba interesado?hindi ka ba kinakabahan?ako kasi sobrang takot na ako baka kung ano pa ang gagawin ng mga opisyalis dito sa ating bayan--sa aming mga mamamayan...takot akong mananakit na naman sila at pahirapan kami..."

"Hindi na mangyayari ulit 'yan."paninigurado ko sakanya,gulat naman siyang nilingon ako ulit.

"P-paano po ba kayo nakakasigurado d-diyan sa sinabi mo?"

"Kasi hindi ko na 'yun hahayaan pa.."tumigil ako saglit at nagpatuloy."hindi ko na sila hahayaan na saktan at pahirapan kayo na para bang isang hayop.Ang tratuhin lang kayo nang hindi makatao ay isang malaking pagkakamali na nila.."mariing wika ko.

Napatigil ako nang marealize ko ang aking sinabi.Shit!hindi dapat ako mapaghalataan sa kung ano ang plano ko!

"T-talaga?hindi ka ba nagbibiro?"natutuwa niyang aniya pero agad ring napalitan iyon ng lungkot."ngunit wala pang nagtangka lumaban at tumulong sa amin atsaka babae ka lang...walang lakas ang mga babae.."

Tumawa naman ako ng peke!

"Haha syempre nagbibiro lang ako!hindi ko naman kayang labanan ang mga opisyales at makapangyarihang mga espanyol dito sa bayan!malalakas sila!ako isang hamak lang na babae!"pang-uto ko sakanya.

Tumango-tango naman siya na para bang naiintindihan ang sinabi ko.

"Oo nga!sa sobrang yaman nila lahat na ng tao sa bayan napasunod nila na parang mga aso!"nangangalaitang niyang sigaw!"mga walang hiya----"napatigil siya sa pagsasalita at napatingin sa gilid gilid.

"Salamat naman ay wala masyadong tao!baka marinig pa nila ang aking sinabi at isumbong pa ako!katapusan ko na talaga!"inirapan ko na lang siya.

Hindi na ako kumibo pa at pinagpatuloy na lang ang paglalakad.Habang tinatanaw ang paligid ay hindi ko paring lubusang matanggap na napunta ako dito sa panahong ito.Marami ang aking tanong na gusto kong itanong sa matandang iyon pero nang makaharap ko siya kagabi hindi ko masabi-sabi.

Kung bangungut lang ito ay sana magising na lang ako!hindi ko yatang maatim tumira at manirahan dito.Mas gusto ko pang makipagsuntukan at makipag-away dun sa black blood gang.

The Heartless Gangster In 1892 (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon