Taumbayan,
Tataas, Bababa
Makikita ang magandang simula
Sabay sa aking pag akyat
Ay ang pag hila ng isang kidlat
Ngingiti, Kakaway
Kukunin ang lahat ng inialay
Ipapakita ang kakayahan
Ngunit hahatakin ng sugatan
Pawis at Dugo aking inialay
Sa isang hangarin masisira ang pag ninilay
Pag hihirap niya'y mawawasak
Hanggang tuluyang iligwak
Pangarap niyang aabutin
Salita na kanyang aanihin
Mababang tingin ng iba
Kakapit hanggang mawala
Humiwalay ka! Humiwalay ka!
Di na kita kayang itaas pa!
Bigat Sakit Hapdi nararamdaman
Pag akyat ay di tuwiran
Tataas ka Bababa ako
Ngumiti at kumaway sa anino
Anino ko na naandyan
Sa panahong di pa sinira
Binaba mo ko! Bakit?
Natutuwa ka ba sayong nakamit?
Oo nasa taas ka!
Pero daig pang madungis na isda
Aakyat sa hagdanan ngingiti sa kawalan
Hindi na nakakapanibago yan
Laging ganito ang nangyayari
Tataas ako hahatakin mong pabalik
Naglalahad,
Isang batang nasa taas
bumaba dahil sa salita
