Nandito kami ngayon sa bahay. Mabuti't pinayagan kami ni doc na lumabas ng hospital ngayon. Pero kung sa bagay, ito naman talaga ang gusto niya, ang hindi mabulok si Patrick sa hospital.

“I'm ready.”

“Let's go.”

Nang makarating kami sa gusto niyang puntahan, ang laki ng kaniyang ngiti.

“Arcade?” kunot noo kong tanong na tinanguan niya lang.

“Noong nag-aaral pa lang ako, madalas akong pumupunta rito kasama sila Zenela at Hex. High school pa lang tayo noon noong college sila.”

“Nag-cutting kayo?”

“Sorry,” natatawa niyang sagot.

“Hindi niyo man lang ako sinama. Nakakatampo talaga!” nagtatampo kong sabi. Ang sasama talaga nila.

Napatigil ako nang napatulala si Patrick na nakatingin sa akin.

“What?” mataray kong tanong sa kaniya.

Napailing siya at saka ngumuti.

“Na-miss kita.”

“Huh? Palagi mo naman akong nakita, ah? Sigurado ka ba talagang ayos ka lang?”

“Ang ibig kong sabihin, na-miss kitang ganiyan.”

“Anong klaseng ganiyan?”

Ang weird talaga niya ngayon.

“Minsan, nakakatakot talaga iyong unti-unting mong pagbago. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan mo. I really miss the real you. Iyong ikaw talaga, masayahin, madaling magtampo, hindi katulad noong nawala sila mama, parang bigla kang nawalan ng gana sa lahat, biglang nawalan ng buhay. It's nice to see you again like that.”

Bago pa ako makapagsalita, hinila na niya ako papunta kung saan.

“Pambata,” napangiwi kong sambit sa sarili pero dinig naman pala ni Patrick.

“Hey! Grabe ka.”

Nang matapos siyang magbasketball, hinila na naman niya ako sa... Teka, ano bang tawag sa mga laro na ito? Ngayon lang ako nakapunta rito sa tanang buhay ko.

“Oh, anong gagawin natin dito?”

“Basic lang. Gayahin mo lang iyong mga sumasayaw sa TV. Simple as that– go!”

Kunot noo kong tiningnan si Patrick na sumasayaw. Ang laki ng ngiti, mukha namang bakla tingnan. Naku! Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao, I mean, ng mga kababaihan.

Tsk. Masyado na naman silang bilib sa ginagawa ni Patrick. May ibang kumuha pa ng cellphone at kinuhaan ng litrato ang kumag.

“Anong tinitunganga mo riyan? Sayaw na, aba!”

Kahit labag sa kalooban, nagsimula akong sumayaw.

“Hindi ko alam na may tinatago ka palang talent,” pang-aasar nito.

“Shut-up.”

Tinawanan niya lang ako at hinila na naman ako sa ibang lugar. Nakakahilo na, ha.

“Saan na naman ba tayo? Gutom na ako,” reklamo ko sa kaniya nang pumasok kami sa isang silid.

“Ano na naman 'to?”

“Kakanta tayo,” nakangiti niyang sagot at nagsimulang magpindot-pindot doon sa harap ng... Karaoke?

“This song is for you, sistah,” natatawa nitong sabi at nagsimulang kumanta.

True Colors ang kinanta niya.

Nang matapos siyang kumanta, may pinundot na naman siya doon sa harap at ibinigay ang mic sa akin.

“It's your turn. Alam kong nilalait mo na ang boses ko sa isipan mo.”

Nalatawa ako ng mahina. Hindi nga siya nagkakamali. Marunong siyang sumayaw pero hindi ang pagkanta. Sa akin naman, mas gustong kumanta kaysa sumayaw.

Dance with my Father

Lumingon ako sa kaniya, magtatanong pa lang sana kung bakit iyan ang napili niya.

“I know how much you want to dance with dad, but never had the opportunity,” malungkot niyang tugon.

Mapait akong ngumiti at humarap sa karaoke.

Pagkabigkas ko pa lang sa unang salita, nag-unahan ng dumaloy ang aking mga luha.

Nakakapanghinayang.

Ang bigat sa kalooban na maikling panahon ko lang sila nakasama.

Miss na miss ko na sila.

Nang matapos ko iyong kantahin, niyakap ako ni Patrick ng mahigpit.

“Ilabas mo lang 'yan.”

Wala na akong pake kung humagulgol na ako ng iyak o kung nabasa ko man ang damit niya. I just needed this moment to let this emotion. Baka mababaliw ako kapag patuloy ko 'tong pipigilan.

Salamat sa lahat, ma, pa. I miss you both. Mahal na mahal ko kayong tatlo ni Patrick.

Latecomer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon