Abi

22 0 0
                                    

" Sigurado ka ba sa gagawin mo? Aalis ka? " tanong sa akin ng pinsan kong Si Stella. Napatigil ako sa pag oorganisa ng mga gamit ko para matapos na at makaalis na ako.

" Hindi ka man lang ba mag papaalam" tanong niya pa ulit,sa huli ay nilingon ko na ito at malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Alam kong mahihirapan ako,ang pag alis ay isang bagay na pinaka nahihirapan ang isang tao pero wala rin namang makakapantay sa kapayapaang hatid ng pag lisan. Minsan may mga bagay, may mga pagkakataon at may mga taong kailangan ng lisanin, para maibalik ang dating sarili mong naiwala bunga ng pananatili. Hindi mo alam na sa kalagitnaan pala ng pagka antala sa isang pangyayari ito ang maging dahilan ng pagkaligaw mo sa iyong paruroonan.

" I made up my mind, Its fix. I'll leave. " saka ko ulit na binalik ang tingin ko sa mga gamit kong hindi pa tapos sa pag oorganisa. Narining kong bumuntong hininga si Stella at tinapik ang balikat ko.

" Always turn your way home Abi, I'll be waiting. " turan nito na siyang nagpahigpit ng yapos dito sa dibdib ko. Pilit ko mang pigilan ngunit hindi ko na maawat ang pag ragasa ng mga luhang kumakawala at gumagawa ng daan sa pisngi ko. Niyakap ko ang pinsan at humagulhol ng iyak.

May mga bagay na kahit pinili mo, mag iiwan pa rin ng marka dahil sa sakit na dulot nang mga desisyon mo.

Its been three years since the day I chooses to stay away from home, to stay away and neglect my past, to stay away to move on. And now I decided to find my way back home, to start a new life. Because I'm healed, I'm done, I have moved on.

Narinig ko ang hudyat ng pag lipad ng eroplanong sinasakyan ko. Humigpit ang kapit ko sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito. Alam ko kung anong dahilan, marahil ay muli kong babalikan ang bayan kong tinalikuran. Muli akong mag sisimula ng panibagong storya sa bayang aking nilisan. Muli kong haharapin ang bawat umaga at gabi na araw na ng Pilipinas ang sisikat sa bawat pag tanglaw ko sa kalangitan.

Ngunit ito na yon, Handa na ulit akong sumugal, susugal ako, pero sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, may laban na ako.

Sa aking pag dating, muli kong nakita at nakasama ang mga mahal ko sa buhay, na nadamay sa desisyon kong mag hilom.

Hindi ko alam kung bakit pilit pa rin ang aking pag hinga ng normal. Hindi ko mawari kung saan nang gagaling itong kabang nararamdaman ko.

Handa ba talaga ako?

" Abi, its been three years, siguro naman okay kana? " kasalukuyang nag sasaya ang ibang mga kamag-anak ko, ngunit mas pinili kong umakyat sa kwarto ko. Ganito pa rin ito, may mga bakas pa rin ng kahapon, bakas nang halos Apat na taon.

" Oo naman, okay na ako, nagamot ko na ang sarili ko. " sagot ko dito. Tinitigan niya ako sa mga mata ko, mabilis ko naman itong iniwasan, ayokong may ma komperma siyang kalungkutan na nag tatago at maaaring matagpuan sa mga ito.

" Handa kana ba ulit na makita siya? " Walang pangalan na nabanggit, walang partikular na tinutukoy pero kusang bumilis ang tibok ng puso ko.

May mga bagay at mga tao, lugar man at pangyayari sa buhay mo na pilit mo mang ilibing sa nakaraan, sa limot ang lahat, iligaw sa iyong isipan, ngunit may natatanging makakakilala nito. At yun ang puso. Dayain mo man ito, hindi mo ito matatalo sa talas ng memoryang taglay.

" Oo naman. Bakit hindi? " Sumibol ang pilit na ngiti sa aking labi. Wala na akong pakialam sa lahat. Sa huli sarili mo lang din naman ang yayakapin mo, dahil walang iba ang mananatili sa tabi mo kapag puro kalungkutan at problema nalang ang hatid sayo ng mundo.
" Tara samahan mo ako. " sabay hawak niya sa mga kamay ko, at hila sa akin patakbo.

Pedazos RotosWhere stories live. Discover now