Ginoo

6 0 0
                                    

Nang masilayan ang iyong kagwapuhan,
Di na mapigilang ika'y sulyapan,
Mga mata mong mapupungay, kay sarap titigan.
Pinapangarap na labi mo'y mahalikan.

Sa araw-araw na pagtitinginan,
Unti-unting nahuhulog ang damdamin,
Damdamin na sana'y iyong maramdaman,
Damdamin sayo, o ginoo iyong panindigan.

Natatakot na umamin,
Natatakot na hindi mo pansinin,
Pansinin ang sulat na inalay saiyo,
Sulat na naglalaman ng paghanga ko sa'yo.

Pinangungunahan man ng takot,
Ngunit kailangan malaman ang sagot,
Sagot mo aking, Ginoo,
Kung may pag-asa ba tayo?

Ng iyong basahin, sulat para sa'yo,
Di mapigilan ng puso na tumibok ng todo,
Nang makita ko ang ngiti mo,
Pag-asa'y dumaloy sa aking dugo.

Pagmulat ng aking mga mata, bumaba sa hagdan,
Muli kitang nasilayan,
Ngumiti ng pagkatamis-tamis sa'kin,
Ako'y nahulog nanamang muli.

Tinanong kita kung ba't nandito ka,
At sinagot mo'y "Para ligawan ka".
Tibok ng puso'y umaalingawngaw sa tuwa,
Dahil sa sagot mong kay sarap manainga.

Kay tagal na ng panahon,
Simula ng ako'y iyong ligawan,
At kay tagal narin ng panahon,
Nung ako'y tumugon sa iyong katanungan.

At ngayon ikaw ay nasa harapan ko't nakaluhod,
Hawak ang singsing na dapat kong isulod,
Sabay tanong ng "Maari ba kitang maging asawa?"
At sumagot ng 'Oo aking Ginoo' ng pagkalugod-lugod.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Ginoo ni poetessss_ || poetry || romans || thriller || love 🎉
Ginoo ni poetessss_ || poetry || romans || thriller || loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon