Chapter 1

494 10 5
                                    

Diana's POV

Nagising ako na wala na si Franki sa tabi ko, pero may iniwan syang note saying,

Wakey wakey love, sorry di na kita ginising. Mom asked me na umuwi muna sa bahay, she misses me na daw. Nagluto nako for your brunch dahil for sure tinanghali ka na ng gising dahil sa sobrang pagod from shoot. Kumain ka na ha xoxo.

Dito palang buo na ang araw ko.

2pm is my call time kaya madali narin akong nag-ayos. So about sa teleserye na tinatrabaho ko ngayon, medyo mahirap ang role. Isa lang naman akong masamang single mom. I went through a lot of workshops para sa role na'to.

At ito na nga ang muling pagtatambal namin ng closetang si Sky. Oo,hanggang ngayon hindi parin sya out. Pero laking pasasalamat ko sa lalaking to, isa din kasi sya sa tumulong na magkaayos kami ni Franki noon.

What he did?. Well, Franki went back to New Zealand. She stayed there for a year para magpalamig ng ulo while I stayed here in the Philippines para ayusin ang sarili ko. I went in to rehab for my drug addiction. So, it was the month of February the next year and kinailangan nang bumalik ni Franki because she got casted into a project where she's a police woman who adopted rugby kids in the streets. Crazy that both of us got a parent role.

So back to what Sky did, he invited us to his birthday in a luxurious yatch with a lot of famous people in there. Little did I know that Franki's going to be there too. It was awkward at first especially because Sky assigned us to share a cabin or room, ni ayaw nya nga akong kausapin nun but I did everything to break the ice between us.

We spent 7 days and 6 nights together in that yatch touring  internationally until she finally gave in and gave us a second chance. At nagtuloy tuloy na yun hanggang sa nagkabalikan na rin kami. It's not that much for a happy ending kasi gusto ko na happy lang, walang ending. Kasi dapat walang Veah and Gino, Franki lang.

Nire-review ko pa ang lines ko nang biglang lumapit si Direk Lauren sakin.

"Tiningnan ko yung scenes nyo sa mga nakaraang araw syempre kasali na yun sa storya na malayo pa ang loob mo sa anak mong si Kiana. Gustong gusto ko yun pero next week, sisimulan na natin yung twist na magbabago na yung pakikitungo mo sa bata. Kung saan susubukan mo nang maging mabuting ina."

"Ano pong ibig nyong sabihin direk?."

"I want it to be authentic. Listen Diana, you have to act pretty soon that you're Kiana's real mother pero looking young like that makes it look like you're just her older sister. If you know what I mean, alam kong wala ka pang experience sa pagiging magulang kaya I'm sending you into some parenting workshops and please give yourself time to spend with Kiana here. Dapat may bond kayo."

"Naiintindihan ko po direk."

"Good. So ituloy mo na muna yan at magsisimula na tayo in 15 minutes."

..

Franki's POV

Pumunta ako kina Jamie. Pinapadede nya ang anak nya right now. She already had 3 kids na sunod sunod.

Napahiga nalang ako sa sofa.

"Oh?. Anong nangyari sayo?."

"Kinukulit na naman ako ni Mommy na bigyan ko daw sya ng apo. Na mapupunta daw ako sa impyerno sa pagsama sama ko kay Diana dahil malaking kasalanan yun."

"Pagbigyan mo na kasi."

"Seryoso ka ba?. Jamie, mahal ko si Diana."

"Pano yung pangarap mo dati na magkapamilya?. Franki, mag ti-30 ka na. Are you giving that up just because you love her?. Or pwede naman diba, find for a sperm donor. Ano ba kasing nakain mo at nagjowa jowa ka pa ng babae eh gusto mo palang magka anak?."

"Mahal ko nga kasi yung tao. Ano bang magagawa ko?. At saka oa lang talaga si mommy minsan, kala mo talaga gugunaw na ang mundo dahil hindi ko sya mabibigyan ng apo. Para namang wala syang apo from my siblings."

"Syempre ikaw kaya yung pinakapaborito nya, remember?. At ang sakit naman na sa lahat ng inaasahan nya ikaw pa mismo ang magdidisappoint sa mommy mo."

"Masakit ba manganak?."

"Sobra, pero masarap. Basta iba talaga sa feeling na may anak ka na. Na kahit napupuyat kana dahil sa kakaiyak nila sa mga oras na dapat natutulog ka, na kailangan mong gumising ng maaga para ipaghanda sila ng makakain. Yung mga ngiti lang nila, nawawala agad ang pagod mo. Kaya yang sinabi ng mommy mo, pag-isipan mo yan. Kasi ang magulang hindi yan maghahangad ng ikakasama mo."

"Oo na oo na, pag-iisipan ko. Dami pang chika."

"Wala ka bang trabaho ngayon?."

"Mamayang gabi pa, magho-host parin dun sa cooking show ko. Guest ko ngayon si Kiara."

And speaking of Kiara, friends parin naman kami. Actually masaya ako na sila ang nagkatuluyan ni Gino. They just got married last year pero wala silang anak. Naging workaholic na naman daw kasi si Gino at naging busy narin si Kiara sa career niya as one of tinitingalang singer ngayon. I'm so happy for her.

2pm umuwi nako dun sa bagong condo namin ni Diana. We're living together na kasi. Isa din sa di masang-ayunan ni Mommy.

..

Divina (Diana's character)'s POV

Kakauwi ko lang galing trabaho, dala dala ang pagkain para sa anak ko nang biglang dumating si Carlo (Sky).

"Anong ginagawa mo dito?. Diba sabi ko sayo lubayan mo na ako!." Tulak ko sa kanya palayo.

"Pero Divina, gusto kong maging parte ng buhay mo. Sa inyo ng anak mo. Tatanggapin ko sya ng buong puso at ituturing ko syang totoong anak." Pilit parin ni Carlo.

"Nabuhay kami na wala ang gagong tatay ng anak ko Carlo. Hindi ka namin kailangan. Oo inaamin ko na naging masama akong ina noon kay Kiana pero eto na nga oh, bumabawi nako. Kasi ayokong gawin ang ginawa mo na kaya mo lang iwan ng basta basta ang asawa't anak mo dahil lang sakin. Mali to eh. Kaya pwede ba?!. Wag ka nang magpapakita ulit sakin kundi idedemanda kita!." Tulak ko ulit dito.

Isa akong empleyado sa bangko at iniiwan ko ang 6 na taong gulang kong anak sa kapitbahay namin, sinasabay na nya sa pagsundo ng anak nya sa school. Grade 1 na si Kiana at kita ko namang matalino at mabait syang bata kaya mali talagang binubunton ko sa kanya ang galit ko sa walang kwenta nyang ama na hindi ko na alam kung buhay pa ba yun ngayon.

Cut!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Girl Space Friend IIWhere stories live. Discover now