PWEDE BA?

5 2 10
                                        

Ako si Gela, isang estudyante na di masyadong napapansin pwera na lang kung inaasar nila ako.

Wala namang kaso sakin yun e, sanayan lang talaga.

Napakasarap palang mag-aral lalo na kung isa sa kaklase mo yung inspirasyon mo hihi. Oo isa sa mga kaklase ko yung gusto ko.

Sabi nga nila e, pamilya kami ron pero gusto ko talaga siyaaa aAhh! Taksil na ba yon? Hindi naman siguro hehe.

Nagustuhan ko siya dahil matalino siya, gwapo pero medyo masungit.

So ayun nga, nagiging kagrupo ko siya sa ibang activities kaya tamang titig lang.

Naisip ko ring sobrang taas mo pala. Kasi ikaw, kilala ka. Ako, hindi. Matalino ka, ako? Sakto lang. Gusto ka ng lahat, ako? Di ko mawari.

Pero sa kabila ng lahat ng yan, itinuloy ko parin ang nararamdaman ko sayo. Wala namang masama dun e, kasi ako yung may gusto hehe.

Habang nagfe facebook ako, biglang nagpopped ang group chat ng section natin kaya agad ko itong binuksan.

Nanlumo ako nung nakita kong, di pala ako nag-iisa. Kasi pati siya, gusto ka.

Mas nanlumo ako nung napagtanto kong, mas magugustuhan mo siya kesa sakin. Mas may pag-asang maging kayo kasi close kayo, sino ba naman kasi ako sayo? Ako lang naman si Gela na pinagtritripan niyo.

Di ko maiwasang titigan ang aking itsura sa salamin. Iniisip kung ano bang kulang? Pero kahit papano masaya parin ako kasi inspirasyon kita kahit malabong maging inspirasyon mo ako.

Kaso

Napapaisip rin ako minsan kung PWEDE BA?

PWEDE BANG kahit konting sandali mapansin mo ako ng hindi dahil sa mga activities?

PWEDE BANG ako nalang?

PWEDE BANG suklian mo tong nararamdaman ko sayo?

Napakadaming pwede pero isa lang naman ang katotohanan. Ang katotohanang, ikaw ang pangarap kong di ko maabot- abot at ako ang kaklase mong di mo mapansin pansin.

Love,
Gela💛

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PWEDE BA?Where stories live. Discover now