THE MAN WHO CAN'T BE MOVED

580 31 26
                                    

A/N: Pasensya na guys, resulta lang to ng pag-alis ni Luhan sa EXO at nararamdaman ko para sa HUNHAN. I’m sorry. Hehe.

Titled inspired by THE SCRIPT ‘the man who can’t be moved’.

I hope you’ll still like this.

Read, Vote and Comment.

THE MAN WHO CAN’T BE MOVED (One Shot)

(HunHan and BaekYeol)

“People talk about the guy who’s waiting on a guy. There are no holes in his shoes but a big hole in his heart.”

*****

“Okay! Ikaw ang bahala! Huwag mo na akong kausapin!!!”

Inis na naglakad si Baekhyun papunta sa mga libreng bench ng park. Marahas na itinapon nya sa loob ng bag nya ang Cellphone nya. Ini-off nya ito para hindi sya matawagan ng boyfriend nya or soon-to-be-ex-boyfriend nya.

Naupo sya sa isang upuan sa park. Naiiyak sya sa inis dahil isang date na naman nila ang hindi sinipot ng busy nyang boyfriend.

After 10 minutes na pag-upo sa bench napansin nya na may ilang nakatingin sa kanya o akala lang nya na sa kanya nakatingin ang mga ito. Napakunot agad ang noo nya at sisigawan sana ang titingin sa kanya ulit kaso natigilan sya nung may itinuro ang mga babaeng kakadaan lang. napatingin sya sa katabing upuan ng inuupuan nya.

Nakita nyang may nakaupo roon. Isang lalaking palipat-lipat ng tingin sa lahat ng direksyon ng park na para bang may hinahanap tapos titingin ito sa Cellphone nya at babalik ulit sa paghahanap sa park.

Habang patagal ng patagal si Baekhyun sa park mas napapansin nya na ang lalaki ang tinitignan ng ibang dumaraan. Ang iba naman tinatawanan ito at ang iba malungkot na nakatingin sa kanya.

Kaya naman nacurious si Baekhyun at tinitigan ang lalaki. Hindi naman ito mukhang manlilimos o palaboy. Kung titignan, malinis naman ito. Yun nga lang halata sa mga mata nya na hindi ito natutulog. Ang payat rin ng lalaki at parang wala lang sa kanya ang humahabang bigote at balbas sa paligid ng mukha nya. Medyo mahaba na rin ang buhok nito kung ikukumpara sa mababang buhok ng karamihan sa mga lalaki.

THE MAN WHO CAN'T BE MOVED (Hunhan,Baekyeol one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon