Simula
Takbo lang ako ng takbo hindi ko alam kung saan ako tutungo,ang alam ko lang ay kailangan ko lumayo. I need space.
Hindi ko alam basta napunta ako sa dagat ng Luna Reyes. Doon ako nagtungo sa ilalim ng puno at umupo. Inilagay ko ang aking noo sa tuhod. Nahihirapan akong huminga.
Marahil sa pagod na kasabay ng pag-iyak.
Ng medyo umayos na ang paghinga ko ay nilingon ko ang ganda ng dagat. Napakaganda nga nito kung tititigan mo ito. Napaka-hinahon ng tubig na tila isa itong musika sa pandinig.
Pinunasan ko ang mata ko gamit ang kwelyo ng aking blouse kaya medyo umangat ito,tumayo na ko at ibinaba ang laylayan ng aking damit.
Meron pa akong nakitang rock formation sa di kalayuan,may butas itong bilog sa baba na pwedeng daanan.
Naglakad-lakad ako sa seashore. Dumampi sa paa ko ang malamig na tubig ng dagat. Ang sarap sa pakiramdam, naalala ko tuloy nung panahong una kaming nagkita dito.
Nag-unahan nanaman sa pag tulo ang aking mga luha. Parang may gripo sa aking mga mata,agad ko naman ito pinunasan gamit ang likod ng palad ko.
Pinigilan ko ang sarili ko na wag umiyak,pero di ko pala kaya. Dati siya ang nag-papasaya saakin ah. Tapos ngayon siya na nagpapaiyak,nga naman ang buhay.
Author's note
Kindly follow my accounts
fb: Jonalyn Saligumba Padaon
IG: Jionnalars
twt: jionna_lars
Thanks for reading!
Next update: later
YOU ARE READING
Still You
Teen FictionLove? What is love? do you think you can love a man who you loved in past? let's see.....
