Namumuhay ako magisa ng mapayapa. Nasanay na lang ako sa lahat ng bagay tulad ng kailangan mo muna paghirapan ang mga bagay bago mo makuha lahat ng pangangailangan mo kumbaga isang kahid isang tuka ,kung hindi ako kakayod magtrabaho hindi ako mabubuhay sa mundong ginagalawan ko. Kaya sa mahabang panahon natutunan ko ang mga mahahalagang bagay na hindi ko naiisip noon tulad ng pagpapahalaga kung anong meron ka, Bilhin lang ang mga bagay na pangangailangan mo kaysa sa mga bagay na palamuti. Dito sa mundo ko hindi mahalaga kung magara o mamahalin ang suot mo basta may maayos kang maisusuot sa pang araw araw sapat na. Dito rin ako natutong makisalamuha sa ibat- ibang tao. Na dapat matutunan ang pakikisama at respeto. Kasi kung wala kang respeto hindi ka rin nila rerespetuhin.
Simple lang naman ang buhay. Kung hindi ka madiskarte hindi ka mabubuhay. Ikaw din ang mismong gagawa ng kapalaran mo. Kaya kung di ka uunlad kasalanan mo. Life is a choice. Kaya mas piliin mo ung tama at makakapagpasaya sayo. Kahit ano pang problema na kinakaharap mo piliin mo pa din maging masaya kasi ang problema lilipas din yan pero ang pagiging masaya mananatiling nasa isipan mo panghabang buhay. Always think positive. Lahat ng bagay may paraan. Everything happens for a reason eka nga.
Hmmp! Masyado na akong madrama hahaha well magpapakilala na ako. I am Kheanne Ramos. 20 years of age. Naninirahan sa Makikisig Street, Bagumbayan City. Ofcourse, Independent, kind, smart and sexy pretty! May makikinis na balat, Makulot na buhok,Matangos na ilong, Magagandang mga mata, Kissable lips and syempre 5'6 height!. Tapos sa Kursong BSBA Major in Marketing Management. So yeah ako lang ang nagpaaral sa sarili ko habang nagaaral ako at the same time nagtatrabaho ako. Bartender sa gabi. Kapag free time naman ako sa umaga tumatanggap ako ng mga sideline. Oh diba busy akong tao!
Ahm eh kung sa usapang lovelife naman. Wala ako niyan wala pa sa isip ko ang magbf. Wala na nga akong sapat na makakain magjojowa pa ko?Hello! Baka nga mas malakas pa yun kumain sa akin agawan pa ako *pout*. Pero minsan sumasagi sa isip ko na magasawa na lang ng matandang mayaman ung malapit na mamatay para sakin mapunta lahat ng yaman hahahaha ang bad ko. Syempre biro lang yon mabait nga ako diba? Disente akong babae. Gusto ko lahat ng nakukuha ko galing sa pinaghirapan ko. Sa ngyon hindi ko na muna iniisip na pumasok sa isang relasyon kasi distraksyon lang yan sa akin eh imbes na sarili ko lang iisipin ko magiging dalawa pa kami. Yes nakikita ko ngang masaya may boyfriend ung tipong simpleng banat lang kinikilig na. Iww ako nga sa ihi ko lang kinikilig na ako eh. Hahaha tama na nga.
At sa hindi inaasahang pangyayari magbabago ang lahat. May delubyong paparating. Oh no!
A/N: Hi everyone! This is my First Story kaya madami pang errors kasi hindi pa ako masyadong marunong gumawa. But! I'll do my best para gumanda ang story na ito. Thank you! Mi joners!
DU LIEST GERADE
SUFFERING FROM TOMORROW - ON GOING
FanfictionI want peace of mind. I really want it. -kheanne
