Alice's PoV
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan wala sa likod, wala sa harap pagkabilang kong sampu ay nakatago na kayo." habang iniikot si RD ng isa sa mga kalaro namin ay tumakbo nako upang maghanap ng mapagtataguan. "TAYA!" pilit kong hinihinaan ang aking pagtawa habang naririnig kong nananaya na si RD. Kala mo RD ha ahahaha hindi mo na ako mahahanap ngayon, maganda ata tong tinaguan ko. Lumipas ang ilang minuto at naroon parin ako sa pinagtataguan ko "Asan na kaya yon?" bulong ko sa sarili.
Siguro oras narin ang nakalipas pero hindi parin ako nahahanap ni RD, "Alicccccceeeeeeee! diyos ko nasaan na ba yung batang iyon." teka, parang boses yon ni nanay ha? Asan na si RD? "Alice! na andyan ka lang pala!" Nakita ako ni nanay, pero parang wala lang sa akin yon. Nasaan ba si RD? "Umuwi na tayo!" kinaladkad ako ni nanay pauwi.
Nang makarating sa bahay, itinanong ko agad si nanay "Nay, asan si RD?" walang naisagot si nanay kundi tinitigan niya lang ako ng may halong pagaalala. "Anak huwag mo nang uulitin iyon ha? Mamamatay ako sa nerbyos kakahanap sayo alam mong delikado na sa ganitong oras." Ang layo ng sagot ni nanay sa tanong ko, medyo nakaramdam ako ng kaba. "Nay, asan si RD?" paguulit ko. "Tinawag siya agad ng mommy niya, dahil luluwas sila ng maynila." Sa isip ko, siguro bibili lang ulit si RD ng laruan at syempre bibilhan niya rin ako. "Kailangan nilang lumuwas ng maynila, dahil kailangan maoperahan ng ama niya hindi pa sigurado kung kailan sila babalik." Ha? bakit di nagpaalam si RD sa akin? Tanong ko sa sarili at medyo naluluha narin.
YOU ARE READING
Kababata
Short StoryMatapos ang mga matitinding pangyayari, magbabago kaya si Alice?
