I squeezed his hand. Hindi ko maalala kung kelan ako nag umpisang maging kumportable sa ganitong ayos namin ni Xander. But I'm liking it. I really do. Nga lang ay ayoko naman na ganito ang mukha niya at naka busangot.

"I was not in danger, Xander. Kaya ko naman ang sarili ko kung sakali ngang hindi ka dumating..."

"But I have to be there with you. For you. I can't just let you take all the hurtful words they might say to you if they are given the chance to. I've seen how harsh they are for the past years."

"Si Margou yun, Xander. Hindi siya ganon. And no one from our cousins have bad-mouthed me."

"Pero paano kung hindi si Margou?" Huminto kami dahil sa red light kaya nakakuha siya ng pagkakataon na harapin ako at tignan sa mata.

"But it was Margou. No need to worry for now, Xander," bahagya akong tumingin sa kanya.

He looks so stressed right now. Bakit nga ba ito ang pinag uusapan namin. This is not a good way to start our first official date, right?

"I can't do that. I can't stop to worry. I've seen them all for the past years. I've seen you cry. I will not let it happen again. Not anymore, baby."

Unti-unti ay nararamdaman ko na ang init sa aking tainga at ang nag babadyang luha sa mga mata ko. Buti na lang ay napigilan ko. I can't cry right now. Hindi dito sa sasakyan lalo na at naka gitna kami sa high way.

All I can do was to smile. Wala akong masabi. Naalala ko ang mga panahon na kino-comfort ako ni Kuya Marcus kapag umiiyak ako. Si Kuya Ken naman ang siyang gustong gumanti para sa akin. Silang dalawa pa lang ay enough na sa akin noon. Dagdagan pa ng mga pinsan ko na talagang sobra-sobra ang pag poprotekta sa akin. Sila ang dahilan kung bakit nakakayanan ko.

Pero ito ngayon sa harap ko si Xander at sinasabing poprotektahan niya ako. It's like a new thing for me. Kahit na kung iisipin mo ay katulad lang rin ng gusto niyang mangyari ang ginagawa ng mga kapatid at pinsan ko noon. Para itong bago. Hindi ko matanto kung dahil ba hindi ako sanay na isa si Xander sa nag aalaga sa akin o dahil ba si Xander nga mismo ito? Is that even different?

Gusto ko sanang itanong kung paano siya nag simula na magustuhan ako. Ang sabi niya ay nakikita niyang umiyak ako noon. Ang tanging panahon lang na naaalala kong nakita niya ang pag iyak ko ay nang malaman ko ang tunay na pagkatao ko. Bago o pagkatapos nun ay di ko an siya nakikita sa mga panahong umiiyak ako.

Or maybe I just don't care about him that time?

This trip is about 2 hours and 35 minutes according to the map on my phone. Pero dahil sa iilang traffic ay pwedeng abutin kami ng tatlong oras at mahigit pa.

Napag usapan namin ni Xander na sa bataan na kumain ng lunch dahil sigurado siya na tanghalian ang dating namin doon. Buti na lang at may mga snack na dala si Xander sa back seat at iyon ang kinakain namin habang bumabyahe. Kung hindi ko pa agawin ang kamay ko sa pag kakahawak niya ay hindi siya bibitaw. Aba at paano ko mabubuksan ang mga snacks na dala niya para makain?

Gumaan naman na ang mood sa buong sasakyan. Kundi sa kamay ko ay nasa hita ko ang kanang kamay ni Xander. His pick up is matic kaya paa lang ang kailangan para mapa andar ang sasakyan. Both his Dodge and Honda that he uses for racing are manual. Siguro ay talagang pang araw araw na gamit niya itong pick up niya.

"Bakit hindi mo laging ginagamit ang Dodge mo?" tanong ko matapos maisip ang tungkol sa mga sasakyan niya and to have a topic at the least.

"I use it from time to time. Pero nitong mga nakaraang araw ay hindi na. Pag sinusundo kita."

Nagtaas ako ng kilay. "Bakit?"

"Hindi ko to magagawa." He kissed the back of my hand then smiled. Ngumiti rin ako.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now