Part Two

11.2K 251 0
                                    

"Talaga bang ok lang sayo na mauna ako?" Paulit ulit na tanong ni Cindy sa akin.Mauuna na daw kasi ito dahil nasa bahay niya ang parents niya.Kadalasan kasi nagsasabay talaga silang umuwi.Almost 2am narin kasi at nakauwi na lahat.Naiwan lang talaga kami dahil inventory week namin ngayon.

"Okay nga lang.Para namang first time kong umuwi mag'isa" sagot ko.

"Syempre naman nho.Hindi naman natin alam ang panahon ngayon" sabi nito habang inaayos na ang mga gamit.

"Oa mo,sige na umuwi kana.Ako na ang bahala dito" sabi ko habang nakangiti.

"Okay tawagan mo ako kapag nakauwi kana" sabi nito.I rolled my eyes.Daig pa talaga nanay ko sa babaeng ito.

"Upo Ms Gonzales" natatawa kong sabi.Inirapan lang niya ako sabay biso sa akin at pagkatapos lumabas na ito.

Bago ako lumabas chineck ko muna kung may mga nakasaksak pa ba na mga appliances mas mabuti nang makasiguro.Mga ilang ikot pa at ng masiguro kong safe na lumabas na rin ako at isinara na ang resto.Habang papunta na ako sa kotse ko may tumawag sa pangalan ko na nagpagulat sa akin.

"Jai" napahawak pa talaga ako sa dibdib ko dahil sa gulat.Ayoko pa naman ng ginugulat ako.

"Vanz! Diyos ko naman kung makapanggulat ka naman" sabi ko.Napansin ko agad ang magulong hitsura nito.Lumapit ito sa akin at naamoy ko agad ang alak dito.Isang dipa nalang ang layo nito sa akin bago huminto.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Tanong nito.Medyo nakaramdam naman ako ng kaba.

"Lasing ka Vanz.Mag'usap nalang tayo kung okay kana" sabi ko.Ngumisi ito ng mapakla.

"Para iwasan mo na naman ako?" Tanong ulit nito na humakbang palapit sa akin.Umatras naman ako.

"Umuwi kana" pinatigas ko talaga ang boses ko.Pero hindi man lang ito huminto.Lalagpasan ko na sana ito pero hinawakan ako nito sa braso at hinila palapit dito."Ano ba!" Pumiglas ako pero mahigpit talaga ang pagkahawak niya.

"Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin" sabi niya.Nakakatakot na talaga ito.Hindi ito pwede.Mabait si Vanz pero dahil sa impluwensya nito sa alak kaya ito nagkaganito.Pumiksi ako.

"Hindi ako sasama sayo.Matagal na tayong tapos Vanz tanggapin mo nalang yun!" Sabi ko na pilit kumawala sa pagkakahawak nito.

"No!" Sigaw nito na nagpapikit sa akin.Kinaladkad pa ako nito patungo sa kotse nito.

"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko rin dito.Malakas ito kaya hindi ako makawala sa pagkakahawak nito.Pero nagulat nalang ako dahil bigla nalang may humatak dito at bumulagta ito sa semento.

"Kapag sinabi ng babaeng bitawan mo dapat bitawan mo!" Sabi ng sumuntok kay Vanz.Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko pa masyadong makilala ang nagtanggol sa akin.Ngunit mas nashock pa ako ng humarap ang lalaking sumuntok kay Vanz.

"T-tristan?" Hindi ko napigilan ang pagbanggit sa pangalan nito.Ngunit ang hindi ko maintindihan ang galit na nabanaag sa mga mata nito.Pero bakit?Bakit siya pa ang galit ngayo?Diba dapat ako ang galit sa kanya?Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko saka hinila papunta sa kotse nito.Uso ba ang hilahan ngayon?Kanina pa sila ah!.Hindi pa ako makapagsalita dahil sa shock.Doon lang ako nakapagsalita ng binuksan na nito ang kotse nito.

"T-teka,may kotse ako" sabi ko.Tiningnan niya ako.Nandoon parin ang galit.

"Sa tingi mo makakapagdrive kapa pagkatapos ng nangyari?" Tanong nito.Hindi ako makasagot.Nanginginig pa ang kalamnan ko.Aksedente nga lang ang mangyayari kung magdadrive pa ako.

Starting Over Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now