“Wow! Yabang mo naman. Cougar talaga ah? At ano naman kung mayaman ang tropa ko at malay mo ay sa mall nga siya nakatira? Hindi ba pwede yun?” ang pilosopo niyang pagkakasabi sakin.
“Ewan ko sayo! Anong oras ka ba uuwi? Nagpaalam ka ba kay Mama?” ang tanong ko.
“Ang dami mo namang sinasabi e! Mahuhuli na ako at kanina pa nagaantay ang mga tropa ko. Basta uuwi ako at nagpaalam na ako kay Mama.” at nagmdali na siyang naglakad.
“Wag kang magpapagabi o hindi ilalock ko yung pinto!” ang pasigaw kong pahabol na paalala.
Alas siyete na nang gabi at wala parin si Jacob. Tapos na akong magluto nang aming panghapunan at inaantay na lamang namin ang aming Ina at pati si Jacob para sabay-sabay kaming kumain. Samantala ang bunso naman naming kapatid na si Ella ay naglalaro nang kanyang mga paper dolls habang kinakausap ang mga ito. Habang ako ay naghuhugas nang mga pinaggamitan sa aking pagluluto ay biglang tumunog ang aking cellphone at dali dali akong nagpunas nang kamay upang basahin kung sino man ang nagtext sakin. Marahil ito ay ang aming Ina o si Jacob. Nang makuha ko ang aking cellphone ay binasa ko kagad ito at nagulat ako saking nakita na hindi ko inaasahan.
“Hello Barbie! How are you?” ang mensahe na natanggap ko galing sa isang hindi kilalang numero sa aking cellphone. Pagkatapos kong mabasa ang mensahe ay dali namang pinundot nang aking daliri ang buton na “Reply”.
“Sino to?” ang pagtugon ko sa mensahe galing sa di kilalang numero. Ngunit wala pang ilang minuto ay nakatanggap na uli ako nang sagot sa taong hindi ko kilala na kumakausap sa akin sa cellphone ko. Dali ko naman itong binuksan at binasa.
“Hindi mo naba ako tanda? Magkasama pa lang tayo kahapon ah!” ang medyo nagpapahula parin at ayaw magpakilala nang di kilalang numero.
“Sino ba to? Kung hindi mo sasagutin ang tanong ko, huling text ko na to.” ang pagsusungit kong text.
“Sorry! Didn’t mean to get you annoyed. This is Cedrick. Do you still remember me?” ang sa wakas ay nagpakilala na.
“Cedrick? Fishball?” ang paninigurado kong tanong.
“Haha. Yes! Your Fishball :).” ang pacute niyang reply na naging dahilan naman nang aking medyo nagbigay nang kilig saking katawan dahil sa sinabi niyang “Your Fishball” ! Yung feeling na ang sweet! Ngunit habang iniisip ko ang sinabi niya ay bigla akong natauhan sa aking mga ginagawa at nababasa. Anong ginagawa ko? Ano tong mga iniisip ko? Lalaki siya at babae ako. Ano tong nararamdaman ko. Bakit ako nagkakaganito? Hindi ko naiwasan ang mapaisip at nakatulala ako sa aking cellphone nang bigla kong narinig ang boses nang aming Ina na kinakausap si Ella. Lumapit ako upang magmano at kamustahin ang kanyang trabaho nang ganun narin at tulungan siya sa kanyang mga dalahin.
“Ma? Nandito na po pala kayo. Kamust po ang inyong trabaho?” ang aking tanong sabay mano.
“Okay lang ako anak. Ikaw? Kamusta ang unang araw mo nang eskwela? At nakapagluto ka na ba nang ating hapunan?” ang pangangamusta niya sa akin.
“Okay naman po Ma. Opo, nakapagluto na po ako. Teka lang po at maghahanda na ako.” at dumiretso na ako sa kusina upang maghanda nang aming hapunan nang biglang tumunog ang aking cellphone dahilan nang may tumatawag. Si Cedrick!!
“Hello? Cedrick?” ang pagsagot ko at tanong.
“Hi Barb! How you doin? Did I disturb you? You seems busy because you did not reply to my recent messages to you.” ang tanong niya.
“Ah ummm… Sorry! Hindi! Este teka lang huh? Kailangan ko na kasing maghanda nang aming hapunan. Pwede bang tumawag ka nalang ulit mamaya kapag wala na akong ginagawa?” ang nakapikit kong sabi.
“Sure! Take your time. I just wanna confirm that I have got the right number of yours. Thanks for your time by the way! See you tomorrow at school and nice to hear your voice again. Bye!” ang kanyang pagpapaliwanag at ikinadahilan nang pagtibok nang aking puso nang sobrang bilis na hindi ko pa nararamdaman kahit kailan. Ano tong nararamdaman ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Tama ba to o hindi ito normal at dapat mangyari. Sobrang gulong gulo ang aking isipan at hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong isipin. Mabuti na lamang at tinatawag ako nang aking Ina para sa hapunan at medyo makakatulong ito para makalimutan ko nang konti ang tungko sa mga nasa isip ko patungkol kay Cedrick.
“Anak? Ano? Hindi ka pa ba maghahanda? Gutom na kami nang kapatid mo. Teka, sige tulungan na nga kita. Maghain ka na at ako na ang magsasandok nang ating mga kakainin. Tawagin mo narin ang mga kapatid mo para habang mainit pa ang mga pagkain ay mapagsaluhan na kagad natin.” ang paguutos nang aking Ina. Ngunit may isang bagay akong tinanong sa kanya.
“Ma? Hindi mo ba alam na umalis si Jacob at wala pa siya hanggang ngayon?” ang aking nagtatakang tanong.
“Anong ibig mong sabihin na kung alam ko na wala pa siya? Bakit nasan ba ang kapatid mo na yun? Umalis ba?” ang tanong niya sakin.
“Opo! Ang sabi niya alam mo daw na aalis siya? Yun kasi ang sabi niya sakin nung nakasalubong ko siya galing eskwelahan ko.” ang nagtataka kong tanong.
“Hindi ah! Wala siyang kahit ano na pinagpapaalam sakin. Hay talagan yang kapatid mo oh! Lumalaking suwail at nakukuha nang magsinungaling. Palibhasa ay nagbibinata na.” ang walang pangambang sabi niya.
“So, kung ganun pwede rin pala naming gawin yung ni Ella? Yung maglakwatsa nang hindi nagpapalam sayo kahit umabot kami nang dis oras nang gabi sa labas?” ang medyo pangiinis kong tanong sa aming Ina.
“Oy Barbie! Wag mong idadamay yang kapatid mong si Ella. Bata pa yan at ikaw Ella, wag mong gagayahin yang Kuya at Ate mo ha? Lalo na at ikaw ang prinsesa nang ating pamilya. Okay anak?” at sabay ngiti kay Ella.
“Yes po mama.” ang sobrang bait na tugon ni Ella.
“Tignan nyo? Sobrang bait talaga niyang Bunso nyong kapatid. Manang mana talaga sa inyong… “ biglang tumigil sa pagsasalita si Eva at iniba na lamang ang sasabihin.
“Oh siya! Kain na tayo at lalamig na ang mga pagkain natin.” ang pagiiba nang kanyang mga sasabihin. Dama ko ang lungkot nang aming Ina kapag pinaguusapan ang aming yumaong Ama lalo na sa oras nang hapag kainan.
Chapter Two - Getting To Know Each Other
Beginne am Anfang
