Chapter 2 - Getting to Know Each Other
Malapit nang matapos ang oras na pinakahihintay ko. Oras na bawat segundo ay parang napaka importante sa akin. Gusto ko nang umuwi!! Pero hindi naman ganun kadali ang gusto kong mangyari. Kailangan kong tiisin to! Unang araw pa lang nang eskwela ngunit bakit ganito na ang nararamdaman ko at parang ayoko nang mag stay pa dito sa loob nang silid na to. Lahat nang mga mata ay parang sa pakiramdam ko ay nakamasid sa bawat kilos ko. Hindi to tama! Tao lang din naman ako na may karapatan kahit mahirap lang. Ang pinag-kaiba lang naman namin ay meron silang pera. Ibig ko palang sabihin ay MARAMI silang pera kesa sakin. Maganda ang kanilang mga kutis at mga englishero silang lahat. Pero bigla ko tuloy naisip yung lalaki na kumausap sakin sa restroom. Sino kaya siya? Anong section kaya niya? Nasa iisang building lang din ba kami? Hay! Ano ba itong nasa isip ko! Nandito ako para mag-aral at hindi para makipaglaro sa kahit kanino na nagaaral dito. Alam ko naman din na hindi ako magkakaron nang matino at mabait na kaibigan dito. Hay! Kung iisipin ko palang ay parang napakahirap at ilang araw pa ang kailangan kong tiisin. Ilang buwan pa ang dapat matapos. Ilang taon pa ang kailangan kong masiguradong buhay pa ako kapag sumapit yun. Kwento ba nang meteor garden tong aking buhay? Ako ba si Sanchai?
“Hey Idiot!” ang pasigaw na boses na sumira sa aking momentum.
“?” Sabay tingin ko sa kaliwa at kanan.
“Here you stupid!” ang pasigaw na sabi nang boses na unang narinig ko.
Sabay lingon ako sa aking likod at hulaan niyo kung kaninong boses yun? Kay JAMES!
“Umm.. Bakit?” ang tanong ko.
“Can you speak in English?! I don’t know much of your language!” ang pagalit na pagsasalita ni James.
“Kung hindi mo kayang magsalita nang tagalog! Wag mo akong kausapin!” ang medyo napasigaw kong pagkakasabi na ikinatigil nang lahat nang mga estudyante sa kanilang mga ginagawa at nagtinginan ang lahat sa akin.
“What did you say? Did you just shout at me?” ang matalas na pagkakasabi at pagtingin sakin.
“Eh ano ngayon? Masarap bang masigawan?” ang patuloy kong pagsagot sa kanyang mga banat.
“What is the meaning of this Mr. Keith and Ms. Suarez?” ang biglang pagsulpot ni Mrs. Santos sa aming paguusap.
“This idiot just shouted at me! He is very rude!” ang pagkakasabi ni James kay Mrs. Santos na siya namang sinang ayunan nang halos lahat nang magaaral sa loob nang silid. Syempre inaasahan ko na yung mangyari dahil malabo naman na sa akin kumampi ang mga mayayamang mga batang ito.
“Hindi ah! Siya po kaya ang nanguna! Wag po kayong maniwala sa kanya Ma’am! Siya po ang bastos at panay ang pagsasalita sakin nang mga masasamang mga salita.” ang pagpapaliwanag ko kay Mrs. Santos.
“Enough! Mr. Keith! Go back to your sit and You! Ms. Suarez! How many times do I have to tell you that NO ANY LANGUAGES are allowed inside this class except ENGLISH? Because of that, both of you needs to go in our detention room. NOW!” ang pagalit na pagkakasabi ni Mrs. Santos sa aming dalawa.
“Sorry Ma’am. But Ma’am, this is my first day and I didn’t really do anything wrong. He is the one who made this fight”. ang pilit kong pagpapaliwanag kay Mrs. Santos.
