“ WOw ah? Oy! Wag ka ring masyadong piling pre!” ang patutol kong reaksyon kunwari.
“ Okay fine! Oh ano? Sasama ka ba sakin para kumain nang Fishballs at Squidballs o hindi?” ang pagtanong niya ulit.
“Sige na nga! Basta kailangan kong umuwi kagad kaya bilisan natin naintindihan mo?” ang pa-bossy kong pagkakasabi.
“Affirmative Sir!!”. sabay ngiti sakin at saludo.
Ilang oras din kaming nagkwentuhan at nagtawanan ni Cedrick habang kumakain nang fishballs at squidballs na ikinagulat ko dahil hindi ko akalain na ang isang pinanganak na mayaman ay nahihilig din pala sa mga pagkain na ordinaryo o street foods. Habang tumatagal na kami ay naguusap at nagkakasama ay mas nakikilala ko si Cedrick nang lubos at para sakin ay hindi naman pala lahat nang mga taong lumaki sa yaman ay wala nang koneksyon na pwedeng mangyari sa pagitan nang nakakababa sa kanila. Halos makalimutan ko nang ang oras, ang oras na dapat kong tandaan dahil meron pa akong mga bagay o responsibilidad na kailangan gampanan sa araw-araw lalo na ang araw na to. Pero sa piling ni Cedrick ay parang gusto ko na siyang makasama o iuwi. Napakagaan nang aking loob sa kanya at talaga namang alam niya kung pano makisama sa mga tao. Hininto ko na muna ang aking pagsasalita para maputol na ang aming paguusap dahil kailangan ko nang umuwi. Pero sa loob loob ko ay ayoko pang umuwi at gusto ko pang mag stay para makasama ko siya. Para ba akong isang batang puslit na ngayon lang nagkaroon nang kalaro sa buong buhay ko at ayoko pang umuwi dahil nageenjoy pa kami sa aming mga nilalaro. Yung pakiramdam na wala kang kapaguran dahil ang nasa isip mo lang ay masaya kayong mga kalaro mo at susulitin niyo ang buong araw dahil meron na kayong pasok kinabukasan at puro aral lang ang gagawin niyo, tapos paguwi galing eskwelahan ay kailangan mong matulog nang tanghali at pagkagising kakain nang hapunan at gawa ulit nang takdang aralin at matutulog nang maaga. Buhay batang elementarya kung aking nararamdaman ngayon. Habang ako ay nakikinig sa kanyang mga sinasabi ay napansin ko ang kanyang paghinto.
“Barb? Are you okay? Is there any dirt on my face?” ang seryosong tanong niya sakin na siya namang ikinagulat ko.
“Ahh??? Ay sorry, sorry! Kailangan ko nang umalis. Di ba sabi ko naman sayo marami pa akong kailangan gawin pagkatapos nating kumain. Kinalimutan mo naman! Oh sige! Una na ako ha? Salamat pala sa paglibre mo nang Fishballs at Squidballs. Sige iwan na kita ha? Bye!” ang pagpapaliwanag ko at nagmadaling umalis.
“Okay! See you tomorrow!” ang pahabol na sigaw niya habang ako ay kumakaripas nang lakad.
“BYE!!” ang pasigaw kong ganti.
Makalipas ang kalahating oras nang pagbyahe patungo sa aming tahanan ay nakasalubong ko ang aking kapatid na si Jacob. Tila pormado at bihis na bihis siya at amoy ko ang matapang na pabango na kanyang suot hanggang sa aking kinakatayuan.
“Oy! Saan ka pupunta?” ang pasungit kong tanong.
“Punta lang ako sa bahay nang tropa ko.” ang mabilis niyang sagot.
“Tropa? Pupunta ka lang sa bahay nang tropa mo at bihis na bihis ka at naaamoy mo ba ang sarili mo? Daig mo pa ang maghahanap nang cougar sa kanto ah! At isa pa, sa mall o disco bar ba nakatira ang barkada mo?” ang kuyang kuya kong pananalita sa kanya.
Chapter Two - Getting To Know Each Other
Start from the beginning
