Chapter Two - Getting To Know Each Other

Start from the beginning
                                        

“Oh! Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?” ang aking tanong sa kanya.

“No! Umm.. Actually, kind of. Sorry! Gusto lang naman kitang makilala at maging kaibigan kung okay lang sayo?” ang pangahas na pagtatanong niya sakin ngunit ramdam ko ang konti niyang hiya na nararamdaman.

“Kaibigan? Bakit wala ka bang mga kaibigan? Mga mayayaman na kaibigan? Kung mayaman lang din naman ang hanap mo ay wala ako kahit anong yaman kahit ang pamilya ko. Nagaaral lang ako nang libre sa school na yun dahil sa isang dahilan at yun ay di dahil sa mayaman ako.” ang mahaba kong pagpapaliwana kay Cedrick.

“Haha. I didn’t know that you are so funny.” ang parang nakakaloko niyang reaksyon sa pagkahaba-haba kong sinabi.

“Ay ewan ko sayo! Basta! Kung gusto mo lang akong paglaruan, sorry pero maghanap ka na lang nang mga katulad niyong mayayaman at wag mo kaming paglaruan na mahihirap.” ang medyo pagalit kong pagkakasabi sa kanya.

“Okay! Sorry na.. Hindi naman ako mayaman e! Ang Parents ko Oo. Pero ako hindi. At tska pwede bang wag mong ilalahat nang mga taong mayayaman sa mga taong mayaman at masama ang ugali. Dahil hindi naman lahat nang mga mayayaman ay may masama nang budhi o paguugali. Hindi maganda yung ganun! Sige ka papanget ka niyang ginagawa mo. Dapat smile ka lang lagi at relax ka lang kapag nakikipagusap ka sa kahit kaninong tao. Wag yung parang palagi ka nalang may kaaway o kagalit. Hindi ka na rin kasi naiiba dun sa isang sikat pero ubod nang yabang at sama nang ugali nung Australiano sa isang section na katabi nang building ko.” ang kanyang sabi sa akin na medyo kinagulat ko at hindi inaasahan na talagang kilala pala si James sa buong campus.

“So, hindi mo ba kilala yung lalaking yon na tinutukoy mo? Ano bang pangalan nun?” ang pakunwari kong walang alam na tanong sa kanya.

“Yup! Kilala ko siya. Si James Keith. Pero mas gusto ko siyang iaddress as Australiano.” ang kanyang sagot.

“Bakit naman? Eh halata din naman na siya rin yung tinutukoy mo.” ang nadulas kong pagkakasabi.

“What do you mean? So you knew him?” ang pagulat niyang tanong sakin.

“Uhmm.. Yung totoo? Oo. Isa siya sa mga classmates ko.” ang medyo nakakailang kong sagot.

“Ganun ba? Okay!” ang mabilis niyang reaksyon.

“Yup! Oh pano? Mauna na ako sayo ah? Kasi baka inaantay na ako nang mga kapatid ko at alam mo na. Ang mga mahihirap kailangan pang mamalengke at magluto nang kanilang kakainin dahil wala namang ibang magpreprepare nang aming mga pagkain gaya nang mga katulong o yaya. So pano? Maiwan na muna kita diyan. Nice to meet you na lang okay?” ang pagmamadali kong pagpapaalam kay Cedrick nang bigla niyang hinila nang aking kamay at inaya ako.

“Gusto mo bang kumain nang fishballs o squidballs? Sagot ko!” ang nakangiti niyang pagaya sakin.

“Ano? Seryoso ka ba diyan? Hindi ko alam na alam mo pala ang mga ganung pagkain? Naku! Baka magulat ka dahil madumi ang mga yun! Baka idura mo lang kapag tapos mong isubo sa bibig mo. Maraming mga mantika ang ginagamit nila dun at baka concious ka sa pangangatawan mo. Lalo na’t maganda pa naman ang hubog nang yong katawan. Sige ka! Tataba ka kapag kumain ka nang mga ganung street foods.” ang pananakot ko para mawalang siya nang gana. (haha)

“Ano ka ba? Matagal na kaya akong kumakain nun at wala namang nangyayari sakin. At isa pa. Ang sabi dati nang teacher ko, minsan dapat daw ang balanse ang ating katawan lalo na sa pagkain. Dapat minsan merong malinis, madumi at sobrang linis. Para nang sa ganun ay hindi ako magiging sakitin lagi o kahit pa kailan. Pero kung concious ka naman sa aking KATAWAN. E, wag kang magalala dahil pwede naman akong magwork out kahit isang buong araw pa para lang makabawi sa pagkain ko nang fishballs o squidballs. (haha!! napatawa pagkatapos niyang idipensa ang sarili) Pero salamat narin kung sa tingin mo ay maganda ang aking pangangatawan. Kala ko kasi walang makaka appreciate nang mga pinaghihirapan ko sa aking katawan eh.” sabay ngiti sakin ni Cedrick na naging sanhi nang pamumula nang aking mukha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Live as SimpleWhere stories live. Discover now