“Detention room? Haha. FINE!! But I am not going in that room with this stupid midget!” ang sigi paring pambwibwisit sakin ni James. Ang hindi ko naman maintindihan sa kanya ay kung bakit patuloy niya akong tinatawag na midget. Hindi naman ako ganun kaliit. 5’7 naman ang taas ko. Kung sabagay. mga nasa 5’11 kasi siya kaya siguro para sa kanya ay maliit na ako. Hay! Ang yabang talaga niya kung iisipin mo.
Pagkatapos nang isang mahabang pagtatalo kay James ay wala rin siya o akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa nais ni Mrs. Santos na pumunta kami sa detention room upang tapusin ang oras na natitira namin para sa araw nang klase. Hindi parin ako makapaniwala na sa unang araw kong ito ay nandito ako sa detention room kahit sa loob ko na hindi naman ako ang may kasalanan at hindi ko deserve ang umupo dito lalo na at kasama ko pa ang taong magiging pasaway sa buong taon. Habang naglalakad sa hallway patungong detention area ay napansin kong tila nangunguna si James sa paglalakad at di ko naiwasan ang mapatingin sa kanyang pangangatawan. Matangkad talaga siya at kitang kita sa kanyang katawan na hindi siya mapayat at medyo maskulado siya at bagay talaga siyang isang modelo nang mga damit lalo na at siya ay matangkad, may magandang kutis at maamong mukha. MAAMONG mukha? Totoo ba tong mga sinasabi ko? Patuloy akong nakatitig sa kanyang likod at nagiimahinasyon sa kalagayan nang kanyang katawan nang bigla siyang lumingon at binigyan ako nang masamang tingin.
“Hoy! What are you looking at?” ang pasungit niyang sabi.
“Hindi ako nakatingin sayo ah! Kapal naman nang mukha mo, ang kala mo ba lahat nang tao ay lagi nalang nakatingin sayo? Sino ka ba?” ang pabigla kong pagkakasabi na biglaan nalang ang mga lumabas sa aking bibig at yun ang aking mga nasabi.
“You’re just jealous because I am handsome ang famous everywhere unlike you? You’re nobody! So, stop dreaming and wake up! Face your reality midget!”. ang pasinghal niyang pananalita sa akin.
“Jealous!? Kapal mo talaga!” ang pabulong kong pagkasabi.
Dumiretso na sa loob nang silid si James upang umupo at ako naman ay naghahanap nang malayong upuan sa napiling upuan ni James dahil ayokong lalong masira ang aking araw dahil lang nakikita ko siya palagi at siya ang may dahilan kung bakit sa unang araw ko sa paaralang ito ay nandito na ako sa ganitong sitwasyon. Napansin ko na kaming dalawa lamang ni James ang nasa detention at naging dahilan ito nang mas lalo kong pagkamuhi sa kanya.
Makalipas ang ilang oras nang aming pagaantay ay biglang napatalon ang aking puso sa lakas nang bell nang paaralan na hudyat nang pagtatapos nang aming unang araw namin sa paaralang ito. Dali daling tumayos si James at mabilis na naglaho sa silid upang lisanin ako (este ang lugar na kinalalagyan namin) Ako naman na tumayo narin at kinuha ang lahat nang aking gamit upang lisanin narin ang bangungot na karanasan ko sa araw na ito. Pagkalabas ko nang detention room, ay nakita ko ulit si James na kasama sila Myco, Aldrin at ang hindi pamilyar na mukha sa akin. Isang babae na ubod nang sexy at kinis nang balat. Hindi ko siya masyado makilala dahil siya ay nakalikod. Napatingin sa akin si Aldrin na siya namang naging sanhi nang aking pag iwas at pagbaling nang tingin sa ibang direksyon at dali dali na akong umalis patungo sa gate palabas nang paaralan. Mga ilang minuto narin akong naglalakad pauwi at tumitingin sa mga lugar na may mga pliers na naghahanap nang trabahador nang may biglaang may lumapit sa aking likuran na sya namang ikinabahala ko at sobra akong kinabahan.
“Okay ka lang? Are you lost?” ang boses na biglaang kumausap sa akin at medyo pamilyar sa aking mga tenga na para bang narinig ko na dati pa. Sa aking paglingon ay hindi ko inakala na siya ang aking makikita lalo na sa lugar na kinaroroonan ko ngayon. At ito ay walang iba kundi si Cedrick.
Chapter Two - Getting To Know Each Other
Start from the beginning
