Forever Rain (One-shot story)

7 0 0
                                        

Quennie Ann: "Umuwi kana baby, di na ako sanay nang wala ka. Mahirap ang mag isa"

Sinabayan ko ang tugtog na nanggagaling sa headset nang cellphone ko habang dinadama ang patak nang ulan. Nangungulila parin ako sa iyong pagkawala. 6 years is not enought for me para makalimot. Halos mabaliw ako nang malaman kong umalis ka bigla. Di mo man lang ako sinabihan. I thought you were my bestfriend, hanggang salita lang pala.

Ininum ko tubig mula sa mineral water na binili ko. Kahit umuulan ay naisipan kong mag jogging sa bayan. Parang ginanahan akong lumabas sa bahay. Kung sa bagay, mag isa nalang ako ngayon.

Kahit sa pagtakbo ay bumabalik ang nga alaala natin. I can still remember the day na nakilala kita. Anak ka nang bestfriend ni Mama, kaya akala ko magkakasundo agad tayo ngunit mahiyain ka. Halos kada punta mo sa bahay, pinipilit kitang kausapin ako. Hanggang sa isang araw, hinabol ka nang aso nang kapit bahay namin. Halos maabot kana nang aso nang binato ko ang aso nang bato. Bigla kang pumunta sa likuran ko, asking for my help. I smiled and said.

"Kailangan pa talaga mag pahabol sa aso para lang kausapin moko?" You were shy so I didnt notice you were crying. From that day, prinomise ko sa sarili kong proprotektahan kita. Ill be your cute prince in shining armor.

Palagi na tayong magkasama tuwing summer. At kapag pasukan ay umuuwi ka sa Manila. Palagi kong hinihiling na sana bakasyon na para makita kita ulit. I am so excited to see you and tell you a lot of story. Hanggang sa nag Grade 6 tayo ay ganon parin ang plot. Nagkikita tayo tuwing Summer pero nagmature kana at tumaas. Everytime you visit us, I found you more attractive

Naalala ko pa noong nag bakasyon kami sa Manila at Hindi nyo pa Semestral Break. Pumunta ako sa school niya upang isurprise ka, pero ako pa ang nasurprise dahil pagdating ko sa corridor nang school niyo ay nakita kitang binubuhusan nang spaghetti sa ulo nang isang babae at pinagtatawanan ka lang nang nga kalalakihan. Sobrang na galit ako, kaya sinugod ko sila at saktong may teacher na dumaan. Sinabihan ko siya na may nambubully sayo kaya sinumbong ko sila.

Lumapit ako sa grupo niya at sinuway sila.

"Hey you guys, pinapatawag kayo nang principal sa office niya?"

"Ohh a newbie" sabi nang babaeng nangseseduce. Wag siyang ganyan, para siya desperadang babae. Hindi ako papatol

"Aba aba, bago kalang dito ah, ang angas mo na matikman nga!"

Bigla niya akong sinuntok at ngunit tila pang nakiliti ako sa ginawa niya. Halos umiyak na siya sa sakit matapos niya akong suntukin, pulang-pula ang kanyang mga kamay.

"WHAT THE-"

"ALL OF YOUU, INTO MY OFFICE!"

Sigaw nang principal. Nag usap tayo doon at humingi nang paumanhin silang lahat sayo at na suspend rin sila for a week. Grabe ang pasasalamat mo at talagang na gulat ka sa pagdating ko.

"Salamat Walter ha? Di ko talaga alam dadating ka. Wala akong balak na isumbong sila kasi mas lala pa. Pero nga okay na ako. Grabe ha? Galing mong tumayming, para kang knight in shining armor."

That made me smile. Gusto ko lang namin kasi maging ligtas ka. Gusto kong okay ka palagi ano man mangyari. Naalala ko rin yung sinurprise mo ako nung birthday ako. Kahit hindi summer ay umuwi kayo, saktong nasa kalagitnaan ako nang game nang bigla kitang nakita. Mas ginanahan ako at sa kada three points ko ay tinuturo kita habang tumatakbo. Nanalo ang team at naging MVP pa ako. We celebrated my birthday after that at akala nang lahat ay Girlfriend kita. Todo tanggi ka naman at kahit sina mama at papa ay tinanong ka.

"Iha kung kayo na nang anak ko, wag niyong isekreto ha? Dapat alam namin okay?"

Kaya minsan hindi ako natatakot na mahulog sayo dahil kaibigan kita. Ngunit natakot ako na baka maling akala lang lahat. Maalaga ka sa lahat pati narin sa akin. Naalala ko nung na dengue ako. Parang ikaw pa yung nanay ko kung makapagtanong sa Doctor.

Forever RainWhere stories live. Discover now