Prologue

68.9K 1.5K 2K
                                    

Prologue

"Why did you choose our company?" Iyan daw ang parating itanatanong sa mga job interviews.

Is that true?

Have you been asked the same question while you were applying for a job?

Me? I don't know. This is my first time applying for an actual job... I'm not saying that being a supermodel isn't a job, but, you know. This one's a job, job.

Mula sa pagba-browse ko sa phone ko ay awtomatiko akong napa-angat nang tingin nang muling bumukas ang pintuan. Iniluwa nito ang isang lalaking makapal at bilugan ang salamin kasama ang isa pang lalaki na singkit naman ang mga mata. The guy with specs is the typical nerd that you would see in your class. Not stereotyping, but I have fifth senses.

I can sense from here that he's the type of student who would remind the prof about their home given task, despite knowing the majority of the class weren't able to finish it.

"Hello, panghuli na po siya sa i-interviewhin ngayong araw. Bumalik ka na lang po ulit bukas or we'll just call you..." The chinito guy informed me and he was smiling from ear to ear like he just delivered a good news.

Imbes na matuwa ako sa ibinalita niya ay hindi ko napigilan ang sarili ko na magtaas ng isang kilay.

"Nanandya ba kayo? Simula pa noong isang araw ay parati na lang ganito! Kapag ako na lang ang natitira o di kaya'y nakasunod sa pila ay sasabihin niyong bumalik na lang ako bukas o di kaya'y tatawagan niyo na lang ako!" I couldn't help but to burst. Maging iyong nerd guy ay napanganga dahil sa biglaan kong pagkainis.

Hey, hey, don't get me wrong. Hindi ako eskandalosa. Isa akong babaeng punong-puno ng class, pero punong-puno na rin kasi ako sa mga tontang 'to!

Napakamot si Chinito guy sa kanyang batok. "E, ma'am busy po talaga kasi ang boss ko. Marami po siyang mga business meetings."

Umarko ang aking isang kilay. "Kung gano'n sabihin mo na h'wag na siyang mag pa hiring ng sekretarya niya kung wala naman pala siyang time mag-interview," Inirapan ko si Chinito guy. Nakakapikon kasi.

Pansin ko ang pasimpleng pag-angat ng phone ni Nerd guy. Mabilis ko siyang sinamaan nang tingin.

"Which one would you like me to break first, your eyeglasses or your phone?" sabi ko sa kanya dahil alam kong nire-record niya ako. Sanay na sanay ako sa mga ganito.

In my world, paparazzis are everywhere.

Mukhang nahiya si Nerd guy at kaagad niyang ibinulsa ang phone niya, pressing his eyeglasses up using his index finger, he cleared his throat and muttered an insincere, "Sorry."

Hindi ko siya pinansin. Muli kong binalingan nang tingin si Chinito guy.

"I am so disappointed in this company! Mr. Armando assured me that I can get in here pero mukhang interview lang ay ipinagdadamot niyo pa."

"Ma'am, pasensya na po hindi po talaga tumatanggap ng babae ang boss ko."

"E 'di lumabas rin..."

"Ma'am..." napakamot na lang siya sa kanyang ulo at hindi na alam kung ano pang isasagot. Gwapo sana. Sinungaling naman! Nadala na ako sa mga kasinungalingan na 'yan!

"Hold on for a second," he said frantically nang biglang tumunog ang phone niya na nasa kanyang bulsa. He fished the phone through his pocket at nang tingnan niya kung sino ang caller ay bahagya siyang napasinghap.

"Hello, sir? Po? Sigurado po kayo? Okay po, sige." I was just watching him with a confusion as he talks to his boss over the phone.

Nang maibaba niya ang tawag ay muli niya akong tiningnan.

Hearts Between The Pages (Heartwreck #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon