"Ako nga. " Nabulabog ang apat na sulok nang kuwarto sa malakas na halakhak nito.

"P-papa..bakit...bakit mo pinatay si Tita Elisa?! Bakit mo sinaktan si lolo at lola?!"

"Mga traidor sila! Sinuko ka nila sa lalaking pumatay sa iyong ina!"

"Akala ko. . .akala ko patay ka na papa? Paano nangyari?"

"Ang masamang damo matagal mamatay anak."

"Papa-"

"Tumahimik ka!" sigaw nito sa akin.

"Papa pakawalan mo'ko bakit mo'ko ginaganito?"

"Dahil isa karing traidor!"

"Papa tama na! Sumuko kana! Ahh!" Napatili ako ng iputok nito ang baril sa ulo ko mismo. Halos manlamig ako dahil ramdam ko ang hangin na yumapos sa aking buhok. Bala iyon!

"Ipasok ang babae!" sigaw nito. Biglang may hinila ang tatlong lalaki at basta basta nalang tinulak ang babae sa aking harapan.

"Bitawan niyo ko!"sigaw nito. Nanlaki ang mata nito ng makita ako.

"Angelica!"

"Sabrina?" nalilito kong tiningnan si papa. Uminom ito sa kanyang alak at humithit sa sigarilyo nito saka tinapon.

"Sabrina bakit ka nandito?"

"Angelica, pilit kitang niligtas. I'm sorry.Nakita nila ako." Bumuhos ang aking luha.

"Papa pakawalan mo siya! Ako nalang! Gusto mokong ipain kay Leon di'ba? Gagawin ko lahat ng gusto mo! Tulad noon gagawin ko parin papa!"

"Tumahimik kang traidor ka!" Dumikit na sakin si Sabrina. Pilit ko rin dinikit ang katawan ko sa kanya.

"Walang hiya ka Pablo! Bakit nagagawa mo ito sa sarili mong anak?!"  Napasigaw ako ng sampalin ni papa si Sabrina ng pagkalakas lakas.

"Tumahimik ka! Mga pain ko kayong dalawa dahil alam kong importanteng tao kay Leon!"

Umiling iling ako. "Papa a-anak mo'ko."

"Ama mo rin ako Angelica pero anong ginawa mo? Tinraidor moko para sa lalaking mahal mo? Nagawa mopang makipagsabwat sa lalaking iyon para patayin ako!"

Humikbi ako at umiling. "Papa, hindi iyon ganon. Sumuko kalang sa batas papa."

"Isusuko mo'ko sa batas pero papatayin rin nila ako!"

"Hindi pa-"Lumagapak ang palad nito sa aking pisngi. Parang baliw itong tumawa.

"Alam ko sa oras na ito napapanood na nang halang na Leon ang eksenang ito. " Unti unti itong lumuhod at hinawakan ang leeg ni Sabrina.

"Pinatay ni Leon ang babaeng minahal ko kaya papatayin ko rin ang babaeng importante sa kanya...kahit anak ko pa!"

Dinuraan ni Sabrina si papa. Ngumisi si papa at hinampas ng baril si Sabrina sa ulo.

"Ate!" Tinulak ito ni papa ulit sa sahig. Nakita kong dumaloy ang dugo nito mula sa ulo.

"Ate Sabrina!"Umungol ito dahil sa sakit.

"Magpahinga kayong dalawa. Pag gising niyo sisiklab na ang laban at kayo ang aking pain." Naiwan ang malakas na halakhak nito sa kuwarto bago sinirado ang pinto.

Pilit kong hinihulog ang sarili mula sa upuan at gumapang patungo kay ate Sabrina.

"Nakakaalala kana." sa kabila ng dugo nito ay nakuha nitong ngumiti.

"Ate...I'm sorry. I'm sorry."

"Shhhhh..."

"Dahil lahat to sa kamalian ko ate. Nang dahil to sa akin."

"Nagmahal kalang Angel."

Umiling iling ako. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko ginawa. Ang tanging nagawa ko lang ay iunan ang aking ulo sa balikat nito.

"Mula pa noon ginagamit na tayo ni papa sa kanyang maduming laro. Para ng basura tayong dalawa. Kung kailan niya gusto ikalakal ikakalakal niya."

Humikbi ako sa dibdib ni ate.

"He used me. Ginamit niya ako." Umiiyak na ito habang pareho kaming nakatanaw sa kisame.

"Pinapagamit niya ako sa kanyang mga kasosyo kapalit ang droga."

Shit.

"Ang dumi dumi ko Angel."

"Hindi ate.."

"Tinulungan ako ni Leon Angel. Nang mga oras na wala kapa. Nang mga oras na nababaliw siya kakahap sayo. Ako naging sandigan niya. Naisip ko na napaka swerte mo sa kanya."

"Nang nalaman kong nakita kana ni Leon gustong gusto ko nang magpakilala pero hindi ko magawa dahil sa amnesia mo."

"I'm sorry ate."

"Naging ina ako ng anak mo Angel."

Tuluyan na akong humagolhol. Ang guwang sa aking puso sa tuwing nakikita ko si James ngayon ay naging kumpleto na.

"Niligtas ka ng driver sa isang aksidente. Pero ikaw lang ang nailigtas dahil hindi na nabalikan si James dahil akala nang kinilalang lolo mo napasama siya sa pagsabog."

"Noong oras na nakuha na  ni Leon bago sumabog ang sasakyan awang awa ako kay Leon. Sa kauna unahang pagkakataon nakita kong umiyak ang lalaking akala ko walang puso."

Hindi ko alam kung ilang butil ng luha ang aking nailuha sa bisig ni ate.

"Ginawa tayong laruan ng sarili nating ama Angelica." Yumugyog ang balikat ni ate.

"Kasalanan ko lahat to ate.Kasalana ko kung ginawa ko lang sana ang gusto ni papa noon-"

"Nagmahal ka lang Angel." Hinalikan nito ang aking noo.

"Alam ko na ikaw mismo ang naglagay ng pait sa niluto mo. Balak mo akong pagbintangan pero hindi mo nagawa. Alam ko ang plano mo nang oras na iyon."

Natahimik ako sa sinabi ni ate. "Ikaw parin si Angel na kilala ko. Pinalaki kalang ni papa sa maling paraan. But Leon changed you."

"Kahit ilang babae niya ang nasabunutan mo noon at binaril. Kahit ikaw ang rason kung bakit namatay ang mama at papa ni Leon minahal ka parin niya Angelica. Mahal na mahal ka parin ni Leon Angelica.Mahal na mahal."



Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora