Pagkabata

427 3 5
                                    

Mula pagkabata,
Di maipagkakaila,
Pagiging mahiyain,
Sadyang sobrang hinhin.

Sa loob lamang ng bahay,
Sa mga larong kalye'y walang malay,
Tanging kasama ay mga laruan ni kuya o mga manika,
Na hindi naman nagsasalita.

Kaya't nasanay ako na mag-isa,
Ngunit sa kabila nito ay masaya,
Pero ngayon ay minsa'y nagsisisi
Sana sa pagkabata'y lumabas hindi sa bahay lang napirmi.

Mga laro'y minsan panlalaki,
Si kuya ko lang naman ang kalaro kasi,
Ngayon tila ang tadhana'y nakikipaglaro sakin,
Kung kailan ang puso'y nais magmahal at ikaw ay ibigin.

Mga tula para sayoWhere stories live. Discover now