Prologue

41 0 0
                                        

Kriiiingg! Kriiiingg!

Tunog na gigising at nagpapaalala na 5:30 na naman ng umaga at haharap na ulit sa panibagong hamon ng buhay.

Papasok sa eskwela na puno ng ngiti, ligaya't, saya ngunit uuwi ng may dalang galit, puot at lungkot.
Pinipilit sumaya kahit di naman talaga.
Tinatago ang sarili sa mailap, mapanghusga at, mapanakit na mundo.
Ngunit sa isang ngiti sa dinami-raming problema'y naikukubli....

Salamat sa kanya o sa AMANG siyang lumikha.

Di pala ako nakakapagpakilala sa inyo.
Ako nga pala si John Yivy Cuevas oh diba kasing hirap ko ang apelyido ko (haha), matangkad, kayumanggi, matangos ang ilong at, may mapupungay na mga mata sa madaling salita pogi (ay maganda pala!).
Lahat ng mabuting katangian ay taglay ko.
Matalino ako kaya ako nakapasok sa unibersidad sa aming probinsya at di lang matalino isa din ako sa manlalaro sa larangan ng balibol (volleyball), isang huwarang student athlete.
Isa ako sa mga kulay sa bahaghari na nagbibigay kulay sa mundo pagtapos ng ulan.
Di ka nagkakamali ako ay parti na tinatawag na LGBT (lesbians, gay, bisexual, transgender).

Iyan ako!

"Noon ay hirap na syang tanggapin ng kaniyang ama dahil sa taglay nitong kalamanbutan hindi naman sya nagsusuot ng mga pangbabaeng damit kaya unti unti narin siyang natanggap ng kaniyang ama ngunit di pa rin buo.
Si Yivy ay tampulan rin ng tukso noong siya ay bata di lang sa kasarian dahil na rin sa kalamyaan at kalampahan nitong taglay, kaya nangako sya sa kanyang sarili na hindi na magiging lampa at lalamya-lamya.
May mga oras na parang gusto nya ng sumuko. Sya ay nagugulumihanan dahil sa napakaraming tanong na nagpapasukan sa kanyang utak.

Kung may mali ba sa kanya? Kung may nagawa ba syang masama? Kung pangit ba ang maging tulad nila? Kung naging masama ba syang tao? Bat parang walang nagmamahal sa tulad nya? Kaya pa ba nya?

Mga katanungan bumabagabag at nagpapalungkot sa tulad nya ngunit subalit ganon ay ipinapaubaya nya na ang lahat sa AMA na syang lahat.
Ipinagdasal nya na lang ang mga ito araw-araw at gabi-gabi.
Hanggang sa ipinakilala na sa kaniya ng Dyos ang makakapagbigay ng panandalian nitong saya hanggang ngayon.
At ito ay ang paglalaro ng volleyball, maayos niyang pinagsabay ang paglalaro at pag-aaral.
Dahil natutunan nya dito ang maging masaya, bilang sya at sa piling ng iba.
Dito niya din matutunan maging malakas at matapang.
Hanggang sya ay makatungtung na nga sa kolehiyo at maging parti ng team na BLACK PHOENIX, isa ito sa pinakamalakas na team sa kanilang probinsya.
At nakilala nya pa ang iba nyang ka-team sa paglalaro.
Dito nya na rin makilala si Excelle Ace Sy, isa sa pinakamagaling na manlalaro nakasama nya at hinahangaan nito.
May nararamdaman na nga ata si Yivy kay Ace?
Paano makakatulong na mabago ni Ace ang paniniwala ni Yivy sa buhay?
At paano naman mababago ni Yivy ang mapait na karanasan ni Ace?
Magiging magkaibigan kaya ang dalawa?
O higit pa?

Atin itong alamin sa aking kwento na BALIBOLISTA! AKIN KA😍".

BALIBOLISTA! AKIN KA😍Stories to obsess over. Discover now