Chapter 1:The Beginning

25.5K 589 25
                                    

*KRING!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!*

Urgh!.. sa wakas lunch time na.. gutom na gutom na talaga ako..

''Oh! kakain kaba panget..??''

Tinapos ko na ang pag-aayos ko ng gamit at tinignan si brithanny..

''Kinakausap kita.. kakain kaba PANGET!''Brithanny

Di ko na lamang siya pinansin at agad akong limabas ng room para makaiwas sa gulo.. lagi na lang nang bubully si brithanny.. kung ano gusto niya ay makukuha niya...

Habang ako ay naglalakad sa hallway ay may napansin akong may sumusunod or nagmamasid na mga mata sa akin.. pinakiramdaman ko ang presensiya niya at nalaman ko kung sino yun.. agad akong tumalikod at sabay  banggit ng..

''AIR SLASH!..'' agad namang dumaretsyo ang hangin na nakaform na parang blade papunta sa direksyon kung saan nagtatago ang sumusunod sa akin..

''Ahh!! Bestfriend Naman Eh!!!..'' Kheya

sabi ko na nga ba si bestfriend lang ito eh..

''Ano ba kasing ginagawa mo at nagsesemi ninja ka..  halika nga dito!. ''

''Eh.. ayusin mo nga yang paggamit mo ng kainis na kapangyarihan mo nayan.. baka mamaya may makakita or di kaya mapatay mo pa ako.. ''Kheya

''Oo na.. halika na gusto ko na kumain.. gustom na kasi ako you know..''

''Geh halika na.. at libre mo ko..''Kheya

''Fine.. ''

Si Kheya ay bestfriend ko.. at protector ko pagdating kanila brithanny kahit kaya ko sila.. ayaw lang ni bestfriend na nagagalit ako kasi minsan di ko macontrol ang powers ko.. 

~Cafetiria~

''Oh look! nagsama ang magkaibigang panget!..''Brithanny

''Oh look! nagsalita ang mas panget!..''Kheya

Meron naman medyo natawa at meron ring nagpipigil ng tawa baka kasi mapaginitan ni brithanny..

''Anong sabi mo?!''

''Oh look! hindi lang siya panget kung hindi bingi rin!..''Kheya

''Ah Bhest.. tahimik ka muna eto na yung food kain nalang tayo sa garden...''

Agad ko naman siyang hinawakan sa braso at umalis na ng cafetiria.. tumungo kami sa garden at umupo sa ilalim ng puno para dun kami kumain..

''Bhesty naman.. bakit mo ako hinila,dapat pinanood muna natin kung paano magusok yung muka ng panget na yun.. ''Kheya

''Ah-Uh.. hindi pwede..''

inayos ko muna yung salamin ko bago magsimulang kumain..

habang kumakain kami.. ako'y magpapakilala muna. Ako si Miya Velonia.. 17 yr./old.. laging binubully kesyo nerd daw ako.. ang lagi naman nangbubully sa akin ay si Brithanny Marquez.. mataray,masungit,bossy, at higit sa lahat feeling god.. buti nalang nandito ang bestfriend kong si Kheya Rodriguez.. makulit pero malambing.. matapang rin yan at mahilig makipag-away kanila brithanny pagaawayin na ako...

''Bhesty tapos na ako kumain..''Kheya..

''Ako rin bhest.. tapos na akong kumain so halika na at magikot-ikot muna tayo.. may 1 hour pa naman eh..''

''Sige sige.. dalian mo at ng makita ko pa si crush..''Kheya

''Hayz.. bahala ka..''

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Someone's POV*

''Ipinatawag kita dito upang hanapin siya..''

sabi ng isang matandang lalaki habang nakaupo at umiinom...

''Kung ayan po ang gusto niyo..''

''Hindi ka pwedeng bumalik dito habang wala ang aking nawawalang anak.. meron nakapagsabi sa akin na buhay pa siya.. kaya gusto ko pumunta ka sa mundo ng mga mortal at hanapin siya doon..''

''Masusunod po..''

''At saka nga pala Nico... pwede mo nga palang gamiting ang iyong kapangyarihan habang nandodoon ka sa mundo ng mga mortal..''

''Salamat po at ako'y aalis na para pumunta sa mundo ng mga mortal..''

''At eto rin pala ang kwintas.. oras na umilaw yan ibig sabihin ay nandiyan lang sa paligid o di kaya ay nasa harapan mo na ang aking anak.. malalaman mo rin yung dahil iilaw ang kaniyang purselas..''

''Sige po mahal na hari at ako'y aalis na..''

Ako'y yumuko bilang pagbibigay galang sa mahal na hari bago umalis.. 

Ako nga pala si Nicolo Ramos.. 17 yrs old .. Ice and Fire Magicer...

Ang misyon ko ngayon ay hanapin ang nawawalang prinsesa.. ngunit hindi lang siya basta prinsesa dahil siya ang nawawalang The Legendary Princess..

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Miya >>>>>>




~The Legendary Princess~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon