~~~WORK OF FICTION~~~
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual people, living or dead, or actual events are purely coincidental.
*****
"I need space"
"I think hindi talaga tayo para sa isa't isa"
"Mahahanap mo rin ang tamang tao para sa'yo"
"Anong magagawa ko? Mas mahal ko siya eh"
"It's not the right time"
Ilan lang yan sa mga dahilan ng mga ex ko before break ups. At eto na naman madadagdagan ulit.
"Kaya ka iniiwan ng dati mong mga karelasyon dahil ganyan ka! You know-- I think we should break up. Good bye" sabi niya at lumakad palayo ng hindi man lang ako pinagsalita.
Hindi ko alam pero kahit lungkot o galit man lang hindi ako nakaramdam. Siguro dahil na rin sa nasanay ako at namanhid na.
And yes, I am a playgirl I mean not the typical playgirl but the type na makikipagrelasyon ako sakanya hindi dahil trip ko lang kundi dahil nakaramdam ako ng pagmamahal sakanya at napapatawa niya ako but then pag may nakita o nakilala ulit akong bago with the same attitude and humour, BOOM!! Kami na.
Now I'm on my way for an interview because they noticed my love story that I posted on my Facebook account.
"So ma'am, para sa kaalaman ng mga manonood pwede mo bang ipakilala ang iyong sarili?" Tanong ng host.
"Sige po. Ahm.. ako po si Georchelle Lisano from Ilocos." Pagpapakilala ko.
"Ilang taon na po kayo?"
"35" deretsahang sagot ko.
"Ayy..hindi halata ahhh..ang fresh fresh niyo padin hehehe..may asawa na po ba?"
"Wala pa hehehe" nahihiyang sagot ko.
"So ayun nga po, ayon po sa iyong facebook post, playgirl po kayo noong kabataan ninyo bakit po single parin po kayo hanggang ngayon? Pwede niyo po bang ikwento?" Tanong niya. Sure, let's try heheh.
"Sure, On my teenager days andami kong pinasok na relasyon as in there were times na pinagsabaysabay ko pa and of course andami ring break ups. Nung una nasasaktan ako pero nung tumagal parang nasanay narin."
"Madami po talaga kayong ex, ma'am. So ano pong napansin mong similarities nila?" Napaisip naman ako.
"I think yung pagiging humorous nila kasi napansin ko rin sa sarili ko noon basta napatawa niya ako maiinlove kaagad"
"Ahh. Magaling po magaling hahaha. So bakit po sa dinami-dami ng ex mo, bakit po minahal niyo sila dahil lang napapatawa ka nila?"
"Uhm..natanong ko din yan sa sarili ko noon and narealize ko na siguro minahal ko lang sila dahil sa matinding pagka-miss sa first love ko na hindi naman naging kami like hanggang crush ko lng siya."
"He was a very humorous person back then as in napapatawa niya yung buong klase and pilosopo siya at dahil crush ko nga siya noon to the point na naging stalker ako. Bully din siya noon pero gentleman pag tinopak hahaha"
"Very caring din siya noon. May time na pinapagalitan ng teacher namin yung kaibigan niya, pinaglaban niya kahit makipagsagutan siya sa teacher basta maipaglaban niya"
