EYEGLASS

24 2 0
                                        

Since I was a kid, I always wear these pair of eyeglasses. Wala naman akong magawa dahil bata pa lamang ako nagkadepekto na ang mga mata ko.

Sabi nila bagay daw sa personality ko ang eyeglass na ito. The usual impression ng mga tao sa mga kagaya ko, NERD, GEEK, WEIRD, which are quite true. Di naman ako ganun katalino, sakto lang. Sadyang bookworm lang ako at sobrang dami ko ng nabasang libro. Mostly fiction kaya mahilig ako mag imagine.

Pero kahit malabo ang paningin ko kay Aphelion lang naman to lumilinaw kasi sa kanya lang ako nakafocus palagi. Aheee.

Si Aphelion Quionyn yung crush ko. Isa syang varsity sa basketball team nila at sya din ang team captain. Sobrang galing nya kaya nga naka 3 points agad sya sa puso ko. Mehehe. Panezxs.

Bilang babaeng di nag eexist sa paningin nya,inilugar ko na ang sarili ko kung san ako nababagay. Bilang tagahanga nya lang. Okay na ako sa patingin-tingin sa kanya sa malayo. Basta nakikita ko lang sya, kumpleto na ang araw ko.

Kasalukuyan silang nag eensayo para sa darating na Inter-School competition. Sila ang defending champion nung nakaraang taon kaya puspusan ang training ng team. Sa gilid ng court may nageensayo ding mga cheer queer.

Napansin ko ang pagpapacute ng ibang cheerleaders kay Aphelion. Nagbubulungan yata sila at may pahagikhik pang nalaman.


Siguro kung ganyan ako kaganda magugustuhan nya rin ako. Hayyy patatas nga naman.

Kinain ko ang hawak kong Piattos at nagpatuloy sa panunuod.


*whistling sound*

Nabaling ang tingin ko sa referee na pumito para mag time-out. Nakita kong nagpa-sub ang isang kateam nila. Bumalik din agad ang paningin ko sa pawisang crush ko. Kung pwede lang magtransform into twalya ngayon ginawa ko na. Madampian ko lang ang leeg nya.


Hayy bat ba napakagwapo mo?



"Hoy Guin."-nauntag ako sa pangarap ko nang may humarang sa view ko. Nagfocus ang mata ko sa taong nasa harap ko.

"O-Oyy bestfriend!" - pagtawag ko nang makita ko ng maayos si Chasm sa harap ko.

"Nakakita lang ng gwapo nauutal na? Kanina pa kita tinatawag di mo man lang ako pinansin?" - nakanguso nyang sabi.

Parang bata talaga to.

"Sorry naman nasilaw ako sa kapangitan mo eh. N-Napansin kaya kita! Kaya nga nandito ako para icheer kayo sa laro nyo eh. Eto oh wooohh go bestfriend!" - winagayway ko ang hawak kong cellophane ng Piattos. Kateam ni Chasm si Aphelion. Isa din syang varsity player. Childhood friends na kami nito simula nung nasa uterus pa lang kami ng nanay namin.

Edi fetushood pala, nyek. Waley.

" Sus, kilala kita pag nagsisinungaling ka. Di ako pinunta mo dito. Scammer" - sabi nya at sabay ginulo ang buhok ko. Kilalang-kilala talaga ako nito. Umupo sya sa harap tabi ko habang nagpapahid ng pawis.

"Oo na. Pero half purpose ko syempre para sayo ano. Kasi alam ko wala kang fans kaya dito na ako hehe" - pang-aasar ko sa kanya. Sanay na din naman syang inaalaska. Kinuha nya ang tubig na dala ko panulak sana ng Piattos saka ito ininom. Papalag pa sana ako pero bigla syang nagsalita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Eyeglass (One Shot) Stories to obsess over. Discover now