"Nandyan nga? Sagot!"

"Uhm. Oo?"

"Sira ulo. Takot pang sumagot e. So nandyan nga?"

"Oo. Nandito siya."

"Okay. Okay. Uuwi na lang muna ako sa condo ko. Nandito ako sa parking area sa baba. Hinatid ako nina Martin. Gusto pa sana umakyat diyan ni Lucas kaso sabi ko baka nagpapahinga ka na. Agatha told us na tinext daw siya ni Deanna kanina. Sumama daw pakiramdam mo kaya hinatid ka ni Deanna agad at hindi na nakapagpaalam."

"Uhm.. Sorry Bes."

"Okay lang ano ka ba. May utang kang kwento sa akin ha. O siya, una na ako. Bbye.."

"Thank you Bes. Ingat ka."

Ibinaba ko na ang telepono at pumasok naman si Deanna.

"Is that Arki?" Tanong niya sa akin habang kinukuskos ng twalya ang buhok niya.

"Yes. Anong sinabi mo ba kay Agatha?" Balik ko.

"I told her na sumama yung pakiramdam mo nung nag-uusap tayo sa garden kaya di na tayo nakapagpaalam. Alam na ni Bub yun." Sagot niya at yumakap na sa akin.

"Bub? Bub o Mahal?" Tanong ko sa kanya.

"Sympre Mahal. Ikaw naman selos agad." Sagot nito sa akin sabay halik sa pisngi ko.

"Saan ba kasi galing yang Bub na yan?" Pang-uusisa ko.

"When Agatha and I met, hindi naman ganyan yung katawan niya. She's chubby pa that time. Bub as in Baboy. Pinaarte lang." Pagpapaliwanag niya.

"Ah, so mas maganda katawan niya ngayon?" Tanong ko ulit sa kanya at tinanggal ang mga braso niya mula sa pagkakayakap sa akin.

"Mahal, halika ka dito. Huwag ka nang magselos diyan. Wala na yun. Agatha and I are really good friends. Makikilala mo din siya. Baka nga pag nagkataon, mas close pa kayo at makalimutan niyo na ako." Hinila niya na ako sa bed at nagku-kwetuhan kami. Tumango na lang ako sa sinabi niya at pinagmamasdan ko lang siya.

"E ako, kailan kita makikilala lalo?" Bigla nyang tanong sa akin.

"Alam mo, late na. Matulog na tayo." Sagot ko sa kanya at humiga na ako.

"Iniiwasan mo ba yung tanong ko?" She said at dumapa na siya sa higaan at hinarap ako.

"Rule number 4. Good night, Mahal.. I love you." Sagot ko sa kanya at saka ko siya hinalikan sabay pikit na ng mga mata ko.

"For real, Engr. Galanza?!" Sabay tayo niya.

"Please, pagod na ako. Bukas na lang tayo mag-usap." Sagot ko.

"Bahala ka nga diyan!" Tumayo siya at kumuha ng unan. Lumabas siya ng kwarto pero hindi ko na siya sinundan.

I stayed awake for a while pero nakapikit pa din ako. Hindi niya na rin ako binalikan sa kwarto. She must be sleeping na.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at unti-unti kong binuksan ang pintuan upang silipin siya sa living room.

Isinara ko ito ulit at baka makita niya ako.

She's texting someone on her phone at mukhang importante dahil ang bilis niyang mag-tipa. Hindi ko makita kung sino at medyo malayo siya sa akin. Narinig ko na bumangon siya sa couch at unti-unting lumapit sa pintuan kung saan ako nakasandal. Mabilis akong tumakbo at bumalik sa pagkakahiga.

Shit naman kase.

Narinig kong binuksan niya ang pinto at ilang saglit pa ay naramdaman kong umupo siya sa aking higaan at lumapit sa akin. Pagkatapos ay amoy ko na ang kanyang hiningan at hinalikan niya ako.

Fridays With YouWhere stories live. Discover now