Chapter 28

9.1K 251 16
                                    

Jema ---


"Hindi lang yung mga iniiwan ang nasasaktan kundi masakit din para sa mga nangi-iwan. Especially if it's something you don't want to do, but you still have to do it para sa ikabubuti ng lahat."

Mga huling katagang binitiwan ni Deanna before she left. Hindi na ako nakasagot. I know I messed up. Bakit ko ba kasi sinabi yun?

I went straight to the lavatory and washed my face. Shit, alcohol rushes in. How I wish pwede kong sabihin kay Deanna na "Sorry Deanns, lasing lang ako di ko sinasadya."

The damage has been done, Jema.

After a while, pumasok sina Bea sa rest room. They went straight to the lavatory to freshen up habang ako tahimik lang akong nagpunas mukha and applied a little face powder.

"Ahm.. Engr. Nauna na po si Deanna. May emergency daw sa kanila kaya di na siya nakapagpaalam ng maayos." Sabi ni Ponggay. Tahimik lang ang dalawa.

"Ganun ba. Is she okay? Kaya pa ba niyang mag-drive?" Sagot ko naman dito. Inaalala ko si Deanna, baka mapano yun sa daan.

"I think she's okay. We're just worried because she had glasses of Whiskey, not her usual drink." Paga-alalang sagot ni Maddie.

Paano ba 'to. Paano ako magtatanong na di ako maghahatalang sobrang naga-alala? Tsk. Kunsensya ko pa pag may nangyaring masama dun. Ano ba kasing ginawa mo Jema.

"Where is she heading to? I mean malayo ba uuwian niya mula dito?" Tanong ko ulit habang inaayos ang bag ko.

"If uuwi siya sa kanila, malapit lang. But I doubt kung uuwi yun sa kanila. Nandoon kasi yung Dad niya." Sagot nitong si Bea. Bigla naman syang hinampas ni Ponggay at tiningnan ng masama.

"Don't worry about her, Engr. Kami na bahala kay Deanna. We know where to find her kung sakali man na di siya umuwi." Paninigurado naman sa akin ni Maddie.

"Okay.. Here's my card. Kindly beep me if you guys are with her and if you arrived home. I need to make sure na okay kayong lahat nakauwi. I am fully responsible of you dahil magkakasama tayo." Sabay abot ng card ko at kinuha naman ito ni Ponggay.

We went out of the rest room at nandun na sina Derek at Arki naghihintay sa amin. I went to the counter and paid for our bill.

"We'll go ahead. Thanks for tonight. It was really fun! Nice to meet you guys." Pagpapaalam ni Maddie.

"We really had fun din! Ulitin natin 'to ha?!" Sagot naman nitong si Arki.

"Sure! Just beep us. Pag okay ang sched, G kami diyan!" Excited na sagot naman ni Ponggay.

We headed out of the The Pub at nagbeso muna kami sa isa't-isa bago kami sumakay sa kanya-kanyang sasakyan.

"Tara sa bahay?" Tanong ni Derek. Di ako kumibo.

"Huy Jem, ano na? Are you with us?" Tanong ni Arki.

"Ah. Oo. Oo. Kila Derek na lang. Sorry." Sagot ko na lang.

Nagsimula nang mag-drive si Arki. Si Derek naman sa passenger seat umupo at ako sa likuran. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ramdam ko ang hilo ngunit mas ramdam ko ang sakit sa bawat katagang binitawan ni Deanna kanina.

Bakit ko ba kasi ginawa yun? Bakit ko sinabi yun sa kanya? E ano naman ngayon kung iniwan siya ng Ex niya dahil wala siyang oras? E ano ngayon kung hanggang ngayon nasasaktan pa din siya? E ano ngayon kung ayaw niya muna makipag-commit sa isang relasyon?

E bakit kasi niya hinawakan ang kamay ko kanina? Bakit niya ako tinatanong kung gusto ko bang magkaroon ng dahilan para hawakan niya ito? Yung song, yung sweetness nya habang nasa stage kami? Yung mga titig niya?

Fridays With YouWhere stories live. Discover now