Prologue

23 2 1
                                    

Cyrel POV

Nandito ngayon ang kaibigan kong si Selena. Makiki tulog daw siya. Minsan nga iniisip ko kung pinalayas ba itong babaitang 'toh sa bahay-- este mansion nila. Maganda naman bahay nila malaki pa nga kung tutuusin e. Matanong nga kung bakit dito na naman matutulog itong babaitang ito.

"Woi Selena bakit dito ka na naman matutulog aber?!" tanong ko sa kanita with matching hawak pa sa baywang. "Eh, paano ba naman kasi wala akong kasama dun sa bahay. Minsan nga naiisip ko may multo na kaya don? Umalis na naman kasi sila mom and dad e." Para siyang batang inagawan ng candy habang nagsasalita.

"Oh siya patutulugin na kita dito sa kwarto ko. Buti nalang talaga pumayag sila mom kung hindi hay nako! Hindi ko alam kung paano kita matutulungan." Sagot ko naman sa kanya. Hindi kasi ako pinapayagan nila mom and dad na makitulog aa ibang bahay dahil baka isipin daw pinababayaan nila 'ko.

Nakakainis na nga minsan yung pagiging istrikto nitong mga magulang ko e. Magpapasukan na kasi next week kaya naman nanood muna kami ni Selena ng movies bago matulog. Aba mag papasukan na ano kailangan na sulitin yung bakasyon.

"Goodnight Selena. I love you. :*" Oh diba ang sweet ko? HAHAHA "Goodnight din Cy. Love you too. :*" sabay yakap sa akin. Niyakap ko naman siya pabalik syempre.

Monday na ngayon at next monday pa pasukan namin. Kaya naman inaya ko si Selena mag outing ng three days. Good thing pinayagan ako nila mom and dad. Kilala naman nila si Selena kaya ipinagkatiwala nila ako sa kaniya. Okay lang naman kahit biglaan itong outing naming dalawa kasi mayaman naman siya hehe. Mambuburaot nalang ako kapag naubos itong allowance na ibinigay sakin kanina nila mommy.

Okay nga biglaan eh diba? Kasi pag pinlano pa hindi rin naman matutuloy. Tama? Buong araw ay magkasama lang ulit kami ni Selena. Tska ko na siya ipapakilala sa inyo HAHAHA. At dahil may lakad nga kami tomorrow dito ko nalang siya pinatulog dahil maaga din kami aalis bukas.

"Selena gising! Late na tayo! Punyemas!" Eh pano ba namang hindi kami malelate?! Nag impake pa kami ng gamit at nanood ulit ng movies dahil ayon lang naman ang pampalipas oras namin. Hindi na kasi namin namalayan ang oras. Alas tres ng madaling araw kami natapos kakanood eh ang lakad namin ay 5am. Tapos alas syete na! Naku! "Selena! Hindi ka gigising?!"

*PAAAAAK!!!*

Pinalo ko ang pwetan niya BWAHAHAHA ganyan din kasi ang ginagawa niya sakin kapag ayaw ko pang magising hehe. Effective naman yung ginawa ko dahil nagising naman siya BWAHAHAHA. Sama ko ba? "Gigising din naman pala eh. Gusto pang masaktan." Bigla niya kong sinamaan ng tingin. Syempre di ako magpapatalo nag make face ako sa harap niya HAHAHA

Tumayo nalang siya at nag punta na sa cr at padabog na sinara ang pintuan. Alam ko namang hindi yon galit dahil mahaba ang pasensiya non sakin. Yes! Sa akin lang dahil pagdating sa ibang tao napaka sungit niyang babaita nayan. Sakin nga lang ngumingiti yan e.

HAPPY READING!

FOLLOW ME!

Facebook: Janilyn Candelaria Alfonso

Ig and Twitter: @janilync1

Youtube Channel: Janilyn Candelaria

'TIL NEXT UPDATE!

Rebound Girl (O N G O I N G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon