Twenty-Eight: "Time Flies So Fast"

109 4 0
                                    

UPDATE

~*~

Alessa's Pov

Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang pagpapasalamat sa amin ni Granny nung nakaraan. Ilang beses ko inisip kung baka niloloko niya lang kami or what, pero, hindi na dapat pa ako mag-overthink. Alam kong nagpapasalamat si Granny with her heart.

"Alessandria! Jusko naman!" sigaw ni Alliah.

Napatingin ako sa kan'ya, "h-ha? B-bakit?" tanong ko.

"Ayan ka na naman sa pagka-lutang mo eh! I'm asking you kung anong oras mamaya yung birthday party?" tanong niya.

"A-ah, 7 pm," sagot ko.

Pumalakpak naman siya, "ayun! Sasagot din pala! 'Wag na tulala, sis," sabi naman niya.

Nginitian ko lang siya. Excited ako ngayon para sa anak ko. Today is Castrix's 3rd birthday, then mamaya na yung party niya. Lumalaki na talaga yung anak ko, hays.

"Baby, bakit ang lungkot mo?" tanong ni Tyler na kakarating lang.

"Wala naman, baby. Naisip ko lang, lumalaki na si Castrix. Ang bilis ng panahon," sabi ko.

Hinarap niya naman ako sa kan'ya at hinalikan ako sa noo.

"Oo nga lumalaki na si Castrix, gusto mo ba, isa pang baby?" tanong niya at ngumisi.

Pinalo ko naman siya sa braso.

"Kasal muna! Nako, ang hirap kaya umire! At jusmiyo, alam ko isa lang ang baby ko pero parang dalawa yung inaalagaan ko eh!" sabi ko.

"Oh! Chill, baby! Hahaha! Alam ko naman na papakasalan muna kita bago si baby number 2," sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, "nako, Tyler! Manyak!" sabi ko naman.

Tumawa naman ito at niyakap ako.

"I miss you," bulong niya sa tenga ko.

Kahit pa napaka kulit nitong Tyler na 'to, sweet pa rin talaga kahit kailan.

"Hoy, love birds! Baka gusto niyo mag-asikaso na?" sabi naman ni Josh na nakasandal sa may hagdan.

"Bitter, ampu--!"

Pinalo ko naman ang braso ni Tyler at umiling na lang. Kahit kailan talaga ang bibig! Kinuha ko na yung balloons at nagsimula na mag-ayos para sa party mamaya ni Castrix.

~*~

Tyler's Pov

Damn. Just damn! Ang gwapo ng anak ko!

"Papap, aywabyu," sabi ni Castrix.

Napangiti naman ako sa sinabi ng anak ko. Tae! Ang gwapo talaga! Mana sa akin! Niyakap ko naman siya.

"I love you too, Castrix," sabi ko at binuhat siya.

Nakasuot siya na pang-Spiderman. Gustong-gusto niya kasi si Spiderman, mana talaga sa akin 'tong anak ko!

TJATP 2: Secret Love [A JaDine Fan Fic] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon