A/N: Another One Shot story :) Sana magustuhan niyo.
Siya yung babaeng palaban pero takot sa clown at sa ipis. Siya rin yung tipo ng babaeng lalaki kung kumilos, boyish kumbaga.
Siya rin yung tipo ng babaeng hindi ka kakausapin pag may kasalanan ka hanggang hindi ka nagsosorry. At higit sa lahat siya yung babaeng hindi mahirap mahalin kasi sobrang lambing.
Ako nga pala si Ford Domingo, 18 years old. Kasama ko sa varsity ng school. Well, ako yung captain. I have girls hovering over me pero iisa lang yung babaeng gustong gusto ko. Si Alexa. Pero dahil galit siya at napakataas ng pride ko para magsorry hinding hindi ako lalapit sa kanya. Pero para malaman niyo pinagsisisihan ko yung araw na'yon. Promise.
That day may game kami kaya nag pa practice kami sa gym. A girl came in tapos naglakad papunta sa gitna. She was wearing our school uniform. Pero hindi siya nakanecktie or ribbon, hindi din siya na kaheels gaya nung iba instead she was wearing a high cut black converse tapos meron siyang suot suot na nerd glasses. Ang baduy grabe.
"Pede makisale?" sabi niya. Hindi ba niya kami kilala? Well, dahil friendly 'tong mga kasama ko, "Sige. Pag nakashoot ka libreng kiss galing kay Ford, gusto mo ba non?" sabi ni Janel. Ang epal talaga netong lalaking 'to eh.
Ayoko nga noh. Ang pangit kaya nung babae, ang kapal ng kilay tapos sabog yung buhok. Nakakadiri. "Sinong Ford? Ayoko. Maglalaro lang naman ako eh. Ganto pustahan nalang 500." sabi niya.
Ano daw? Pustahan?! Teka ang mas nakakagulat hindi niya daw ako kilala?! Kelan ba siya pinanganak kanina?
"Sige, hanap ka ng kakampi mo 3 on 3." sabi naman ni Sam. "Wait pada..eto na pala sila eh. Kuya!" sigaw nung panget na babae. Shit! Si Kristof Matthews tsaka si Leo. Yung dalawang Matthews. Yung mga Legends ng St. James. Teka wag mong sabihing, "Ehh..Kuya mo sila?" tanong ni Janel dun sa babae. She nodded tapos lumapit sa kanya si Kristof,
"Wala ka bang klase bunsoy?" tanong niya dun sa babae. "Wala kuya pustahan daw tayo 500, sige na please para may pambili ako ng bagong album ng Linkin Park. Please." sabi nung babae. "Hoy! Alexa. Oo na tara na." sita ni Leo sa kanya.
We started playing kakaiba yung babaeng yun, ang bilis niya, at alam niyo yung score? 51-49 nanalo sila, pano yung depensa kong si Janel, lamya tinalo pa siya nung babaeng yon. Sayang yung 500 pesos namin. "Thanks. Babye." sabi nung babaeng weird tapos lumabas na siya ng gym, minutes later umalis na din yung mga kuya niya.
Second meeting namin sa cafeteria, well, yung mga kaibigan ko naging tropa na rin niya, ang lupit niya kaya sa basketball. Bakit ko ba siya pinupuri?! Paupo na ko sa table namin non nung biglang *bogsh*
"Punyeta." yun nalang yung nasabi ko. Nagkalat yung inorder ko sa table pati sa damit ko. I immediately took of my polo. Lahat nakatingin samin. "S-Sorry Ford." sabi niya. Punyeta 'tong pangit na to ah. "Clean it up." sabi ko. Tapos biglang may narinig akong nagcomment 'Oh, lumalambot na si Ford?! Sa pangit pa. Haha.' Ewan ko alam kong mali pero nung kukunin niya na yung polo ko
"You stupid b*tch. I'm sick of this. Tumutropa ka sa mga tropa ko para mapalapit sa'kin no?! Ngayon naman binunggo mo ko para mahawakan ako. Ganun ka ba ka desperada ha?!" sigaw ko sa kanya.
She took of her glasses, she was teary eyed ang ganda pala ng mata niya kapag- Ford! Concentrate galit ka sa kanya. "Una sa lahat, sila yung lumapit sakin hindi ako! Pangalawa, hindi kita gusto kasi saksakan ka ng hangin! Feeling mo ang gwapo mo! G*go!" sigaw niya sabay walk out.
Lahat ng tao nakatingin sa kanya hanggang paglabas niya. "Ok guys kumain na kayo ulit! Back to business people."sigaw ni Arvin kasama ko din siya sa team. "Ikaw naman Ford, attention lang pala namin hanap mo, dapat sinabi mo nalang, kesa sinigawan mo pa si Alexa." pang aasar ni Ralph, kasama ko din sa team.
YOU ARE READING
Binabawi ko na
Teen FictionShe's an ugly chick, waiting for his first love to come home, until one day she met this arrogant bastard, wanna know what happened next? Read it.
