Chapter 6: Where Does My Heart Beat Now
"So much to believe in, we were lost in time. Everything I needed , I feel in your eyes. Always thought of keeping your heart next to mine. But now that seems so far away. Don't know how love could leave without a trace. Where do silent hearts go?" -Danris
"Candle in the water, drifting helplessly. Hiding from the thunder, come and rescue me. Driven by hunger of the endless dream. I'm searching for the hand that I can hold. I'm reaching for the arms that let me know. Where do silent hearts go?" –Marniel
October 2013.
Isang tawag ang natanggap ni Marniel mula sa Daddy niya. Kakarating lang niya galing school. She's a freshman student sa Ateneo de Davao University taking up Business Management.
"Yes, Dad?"
“Baby, may bisita tayo mamaya, ha? Diyan siya magdidinner sa bahay."
"Sino po?"
"Basta. Makikilala mo rin siya mamaya. And baby, be nice to her, okay?"
"Her? So babae po?"
Napabuntong hininga ang Daddy niya sa kabilang linya.
"Sounds not good to you, hindi ba?"
nanunubok na saad ni Mateo.
"Hindi naman sa ganoon, Dad. Nagulat lang po ako. Sige po, maghihintay ako dito sa bahay."
"Salamat, anak."
Dahan dahang inilapag ni Marniel ang cellphone sa bedside table. Pagkatapos ay matagal na tinitigan ang family picture nila na nasa tabi ng lampshade. That was taken during her 8th birthday. She released a deep sigh. Mukhang mangyayari na ang isang bagay na ayaw muna niyang mangyari: ang makatagpo ang ama ng babaeng mamahalin nito ng habambuhay gaya ng Mommy niya.
"Huwag naman sana yung Brigitte na yun,"
Usap usapan kasi sa opisina ng Daddy niya na nagkakamabutihan na umano ito at si Brigitte, nagmamay ari ng isang sikat na jewelry store sa Davao. Ito rin ang sinasabing dahilan ng di pagkakasundo ng parents niya. Hindi niya pa ito nakaharap ng personal subalit naroon na sa puso niya na ayaw muna niyang makadaupang palad ito.
Sinubukan niyang magtanong sa ama subalit nauunahan siya ng di maipaliwanag na damdamin. Marahil dahil nakita rin naman niya ang kalungkutan ng ama. Alam niya, kahit lagi itong masaya kapag kaharap siya, mas lamang ang mga sandaling nalulungkot ito lalo pa nga't ang Mommy niya ay naroon na nga sa malayo ngunit kasama ang lalaking minamahal nito.
ESTÁS LEYENDO
5 Minutes To Lifetime (COMPLETED)
RomanceNo one can choose who they fall for Or when they fall, or how they fall, or why I, well I fell for you and I must wait it's only a matter of time.
