Chapter 26

3.5K 86 2
                                    

APHRODITE/ DIAMOND~

Pumunta ako sa medyo gilid ng kalsada at sumilip ulit sa hindi kalayuan. May nakita ako kani-kanina lang na pwede naming tuluyan pero nag dadalawang-isip ako. Haist ngayon lang naman 'to eh, saka matutuluyan lang talaga ang kailangan namin.

"Ba't ang tagal mo? Sa'n ka ba nag pupunta?!" Bungad niya sakin pagka pasok na pagka pasok ko sa sasakyan.

'Di ko nalang siya pinansin at pabuntong hiningang nag drive ng sasakyan papunta sa lugar na iyon. Di pa rin tumigil si Klein sa kakadada nang kakadada pero napatigil rin nang makita yung lugar na pinagdalhan ko sakanya. Nanlalaking mata ang napatingin siya sakin at bumaling ulit sa labas.

Napapikit naman ako ng mariin nang mas makita ang lugar na ito. Maliit na lugar, two storey building at may isang malaking parang placard na umiilaw at may nakasulat na 'Motel'

Some people knows what this place has. Argh. Pero sa tingin ko naman kasi mukhang matino-tino itong lugar na 'to  although parang masyadong luma na.

"Ano pong kailangan nila?" Tanong sa'min nung babae pagkapasok na pagkapasok namin. Stupid. Dipa ba obvious ang dahilan kung ba't andito kami?

"Dalawang Kwarto. Pakibilisan din po dahil kailangan nang gamutin bg kasama ko ang sarili niya." Naiinip na sabi ko. Gusto ko na talagang humiga sa isang malambot na kama at matulog na.

"What the--?" Angal pa sana ni Klein pero naputol siya nung babaeng kausap ko ngayon. Sinamaan naman niya ng tingin yung babae.

"Ahh ma'am, isang room nalang po ang available saamin, Fully booked na po kasi kami. Masyado po kasing malakas ang ulan kaya--"

"Edi sana kanina mo pa sinabi yan. Tch anong klase room ba 'yang natitira?" Putol ko sa sinasabi niya. Di na niya kailangan pang ipaliwanag ang dahilan kung ba't fully book  sila dahil kitang-kita ko naman.

"Ahh may isang kama po pero kasya sa dalawang tao saka po yung dalawang patong rin po yun ng kutson kaya makakaaasa po kayong malambot na kama ang makikita niyo. Meron din po kaming TV at isang C.r---"

"We'll get it."  'Di ko na siya pinatapos pa dahil isang gabi lang naman kami dito.

"Ba't ba kasi dito mo ako dinala? Aishh! Tapos isang kwarto lang?!" Reklamo ng kasama ko habang paakyat na kami ng hagdan.

Binigay na samin yung susi at lugar kung saan kami tutuloy kaya heto kami, hinahanap na yung kwarto though di naman kami mahihirapan dahil maliit nga lang itong lugar.

Nang nakita ko na yung kwarto para saamin ay pumasok na agad ako at di na inantay yung kasama ko. Ang ingay kasi, pag pinansin ko mas iingay yan pag hindi naman hayaan na't mapapagod din yan.

Hinubad ko agad yung sapatos at leather jacket ko saka humilata sa kama. Sa sobrang kapaguran hindi ko na napansin at nakatulog na pala ako.

T H I R D  P E R S O N's POV

Alad dos na ng madaling araw pero gising parin si Klein, bukod kasi sa sakop na sakop nang nahihimbing sa pag tulog  na si Diamond ang kama ay katatapos niya lang din gamutin ang sugat na natamo niya. Kahit di gaanong maalam sa pag gamit ng mga panggamot si Klein ay pinilit niya parin kaya ganun na lang ang tinagal niya.

"Haist, kababaeng tao burara sa gamit." Daing ni Klein habang pinupulot ang hinubad na jacket ni Diamond at inilapag sa side table.

Napatingin si Klein sa gawi ni Diamond na medyo natatamaan ng ilaw mula sa lamp sa side table. Malaya niyang natitigan ang mukha ng babae at napaisip.

That nerd is a gangster princess (EDITING)Where stories live. Discover now