"Damn , sweetheart."

"At ayokong may ibang babaeng lalapit pa saiyo Leon. Oo nagseselos ako at baka ano ang magawa ko sa susunod!" patuloy na himutok ko habang ngumingisi parin ito. Hindi siya nakikinig sa akin. Ngumingisi pa ito habang ako ay halos mamatay na kaka explain at kakasabi sa kanya! This man is annoying!

Nakita ko ang baril sa mesa niya kaya kinuha ko ito at tinulak siya. Shock filled his gorgeous face.

"Ibaba mo 'yan Angelica.." Leon warned. Umiling ako. Tinutok ko ang baril sa zipper nang pantalon niya.

"That thing is mine Leon! Naiintindihan mo?"

"O-Ofcourse sweetheart."

And for the first time. The second Mafia na kinatatakutan ng lahat ay nabulol nang dahil sa akin.

Gusto kong iwagayway ang bandera ng mga kababaihan!

Halos manlaki ang mata ko sa mabilis na kilos nito. Naagaw nito ang baril at hinagis malayo sa amin.

Tinulak ako nito sa sofa kaya napahiga ako. "Ano ba Leon!" Dinaganan niya ako at hinawakan ang aking baba.

"This is really you years ago Angelica. May naalala ka ba?"

Hindi ako makasagot. Kinakabahan ako sa bawat araw na lumilipas. Kinakabahan ako na baka may bago na namang dadalaw sa aking isipan at may matuklasan.

Unti unti akong tumango sa kanya.

"What is it sweetheart? Tell me.." Napapikit ako nang halikan ako nito sa labi.

"We fuck a lot." Sabi ko na ikinamura nito. May nakakubling ngisi sa labi niya.

"What else huh?"

"I am so young."

''Yeah, so young.." He whispered at nagsimula nang bumaba ang halik sa aking balikat at dibdib.

"What else?"

Nalaglag ang strap ng aking bestida. Mas binaba pa iyon ni Leon para makita ang pakay niya doon.

Umawang ang labi ko nang humalugad ang kanyang labi sa aking dibdib.

"I am so possessive."

"Yes you are."

Sa huling pagkakataon hinayaan ko ang sariling magpaangkin sa lalaking nag mamay ari ng aking puso. Ang opisina niya ay nabalot nang aming mga ungol.

Sa huling pagkakataon iaalay ko ang sarili sa lalaking sumira ng pagkatao ko. Kailangan kong maging matapang sa harapan nila.

Buong araw kong binigay ang katawan ko sa kanya. Buong araw kong niyakap is James Felix. Buong araw ko silang minasdang dalawa. Hindi ko maiwasan maging emosyonal sa twing makikita ko ang magkahawig nilang mukha.

  Dahan dahan akong nagbihis. Mahimbing parin na natutulog si Leon. Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay. Humampas ang malamig na simoy ng hangin nang nakalabas ako ng mansyon. Nanlalamig ako dahil sa kaba. Halos gusto kong maiyak nang masdan muli ang mansyon. May kakaiba sa aking dibdib. But I have to do this. Kailangan kong makausap si Lolo at lola. Ayoko nang makulong sa palad ni Leon. Kailangan kong malaman ang lahat.

Bago ako makarating sa gate ay hinarangan ako ng driver ni Leon at tauhan.

"Senyora saan po kayo pupunta gabi na  po ah."

Shit.

"Hindi po kayo puwedeng lumabas na hindi kasama si ser Leon o isa sa amin senyora. Iyan ang mahigpit na batas ni ser Leon sa amin."

"Samahan niyo po ako manong. Kahit kayo na po mag drive. Bibili akong pregnancy test ngayon. Hindi dapat malaman ni Leon ito dahil gusto kong kumpirmahin kung buntis nga ba ako. Pasensya na sa abala."

Nagkatinginan silang lahat. Halos mag diwang ako ng tumango sila sakin.

Papalabas nang gate ay hindi na ako mapakali sa backseat. Nang makita kong malayo na sa mansyon ay kinausap ko na ang driver.

"Manong masakit ba balikat niyo?" Nagtaka ito sa aking tanong.

"Masakit po ma'am pero sanay na."

"Gusto niyo hilutin ko?"

"H-Ha? Naku ma'am wag na-"

Bago pa ito makatapos ay hinawakan ko ang kanyang ulo at inuntog sa salamin nang kotse. Nakita kong may dugo ito at nawalan ng  malay.

"Sorry.." I uttered at pumunta sa front sear at tinulak palabas ang duguang driver. Hindi ko alam kung bakit bihasa ako sa ganito. Lalo na nang bihasa akong magdrive nang sasakyan. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ko alam na marunong akong mag drive!

Tinahak ko pauwi sa dati naming bahay. Basa ang aking pisngi ng mga luha.

Hindi ko na kilala ang katawan na ito maging ang pagkatao ko. I am searching for an answer at uumpisahan ko dito.

  Mabilis ang aking pagtakbo hindi umabot sa isang oras ay nasa tapat na ako ng aming lumang bahay. Kumalabog ang dibdib ko. Miss na miss ko ang bahay na ito. Lalo na ang talipapa sa aming harapan ng bahay.

Simoy ng hangin ang sumalubong sa aking paglabas. Niyakap ko ang sarili ng tangayin ng hangin ang aking buhok.Binuksan ko ang aming kinakalawang naming gate hindi ito naka lock.

Sobrang tahimik sa aming bahay. Hindi ako nagdalawang isip na pumasok agad.

Ilang buwan akong hindi nakauwi. Ilang buwan kong inisip sila lolo at lola at ilang buwan ko silang namiss at ako'y nagimbal.

Pagka bukas ng pintuan tumambad sa akin ang duguang katawan ni Tita Elisa. Walang saplot sa katawan at laslas ang leeg nito.

"H-Hindi!!" Natutop ko ang bibig. Unti unti akong umatras.

"A-Angelica u-umalis ka-kana-" narinig ko ang boses ni lolo at nakita kong nakatali ang kamay ni lolo at nakadapa sa sahig. Madilim ang sala pero sapat ang ilaw mula sa labas na makita ko ang mukha ni lolo na hirap na hirap.

Tatakbo na sana ako ng marinig ko ang hikbi ni lola sa kabilang bahagi.

"L-Lolo!! Lola!"

Tumindig ang balahibo ko nang makita ang sinapit nang aking pamilya.

Tinakbo ko ang distansya namin ni lolo at niyakap ko siya. Nanginginig kong tinanggal ang tali sa kanyang kamay na napaka higpit.

"Angel."

"Lolo, lumaban ka. Aalis tayo. Ililigtas ko k-kayo." Patuloy ako sa pag iyak.

"P-Pinatay nila si Elis-Elisa."

Mas lalo akong umiyak.

"Apo."

"L-Lola ,lolo aalis tayo pangako."

Halos mapamura ako ng hindi ko magawang tanggalin ang pagkakatali.

"H-Hindi ako tunay mong lolo A-Angelica." Napatigil ako nang marinig si lolo. May luha sa kanyang mga mata.

"Lo-"

"Angelica m-makinig ka. I-isa ako sa tapat na driver ng p-papa mo Angelica.."

Napalunok ako ng matigas. Ang aking pawis at luha ay naghalo na.

"N-Niligtas kita noon nang maaksidente k-ka...si...si Leon...Angelica si..Leon-"

Hindi ko na masundan ang ibang sasabihin ni lolo nang may biglang tumakip na panyo sa bibig ko at nawalan ako ng malay.

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedDär berättelser lever. Upptäck nu