Panahon ng Taglamig

16 1 0
                                    

Natapat na ako ay pang umaga sa trabaho, noong unang naranasan ko ang taglamig at nakahawak ako ng snow, sobrang saya, halos hindi ko tigilan ang kaka picture sa snow, tiis ganda ang lola, inosente ika nga, pero nung nagtagal halos mawalan na ako ng boses at mata na lang ang walang takip sa akin, naranasan ko magkasakit, ubo, sipon at pananakit ng lalamonan. Nung una kinakaya ko kahit sobrang sakit ng ulo ko sa trabaho, pilit aqng pumapasok, kahit nagmamakina ako, hindi ka makakaramdam ng inet gaya sa pinas, sa plastic molding kasi ako nagtatrabaho. Pahirapan pagpasok at pag uwe, sa kapal ng snow sa kalsada at halos wala ka ng makita habang nagbabike, sabayan pa ng masamang pakiramdam, hindi mo na namalayan na inaapoy na pala ako ng lagnat pag uwe ng apartment namin, akala ko kaya nagiinet lang ang aking katawan ay dahil lamang sa sama ng panahon. Lumipas ang 2araw, lalong tumaas ang lagnat ko. Maige na lamang at dalawa kami sa kwarto ng kasamahan ko. Isang gabi na umuwe ako na sobrang sama na talaga, hindi ko na makayanan ung bigat ng katawan ko, nagdiretso na ako sa higaan, hindi na ren ako nakapagpalit ng uniform, wala na ren akong kaen basta gusto ko na lang ibagsak sa higaan ang katawan ko. Sa pakiwari ko ay hindi pa ako matagal n nakahiga, yung tipong kakapikit ko pa lamang, nakikita ko ang paligid pero alam kong tulog ako, gising ang diwa ko, sa paanong paraan na hindi ko maipaliwanag kung papaano ang mga sumunod na nangyare na sa unang beses ko pa lang mararanasan sa buong buhay ko...

Itutuloy...

20 years agoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon