17. | Mika's

613 45 6
                                    

Mika's

"Hoy burara tulungan mo ako buhatin itong cabinet, ilagay muna natin ito sa may pinto" utos niya sa akin, aba akala ko naman nagbibiro lang siya sa "otw" niya aba wow ha at ayun naglilinis na kami dito sa kwarto ko, nalinis na namin yung dalawang kwarto kaya naman kung ako tatanungin, pagod na ako.

KAYO BA KAPAG BA NAG LILINIS HINDI BA KAYO NAPAPAGOD HA.

ITONG LALAKING ITO PARANG DI NAPAPAGOD. WALA MANLANG KAMI KAHIT 5 MINUTES MUNA TAYO MAGPAPAHINGA GANUN PERO WALA GUYS! W A L A.

"Pagod na ako.." Reklamo ko sa kanya tapos tinitignan naman niya ako ng masama. Gagalit siya?! parang siya pa palaging may period sa amin.

"Dali na jungmo!!! please pleaseeeeee" pag pupumilit ko sa kanya, napabuntong hininga naman siya.

"Oo na. Ako na ngalang mag isa panoorin mo itong ginagawa ko ah" tumango naman agad ako sa sinabi niya at tinuloy niya lang yung pag lilinis niya habang ako naman pinapanood siya.

Ewan ko kung ilan oras na ang nakalipas pero kasi pawis na pawis na siya. Nung una tuwang tuwa ako kasi di na ako mag lilinis pero nakakaguilty rin kasi siya lang gumagawa na dapat ako ang gumagawa.

Pero pawis na pawis na siya. Anong gagawin ko?! alangan naman hayaan ko lang diba? Punasan ko ba yung pawis niya?! o kaya naman dalhan ko siya ng tubig tapos ng tinapay?!

Oo self. Gawin mo talaga yan sa dami niyang tinulong sayo hays.

Agad ko naman kinuha yung towel sa may drawer at agad lumapit sa kanya

"Jungmo" tawag ko sa kanya, pagkatingin niya sa akin agad ko naman pinunasan yung pawis niya. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko, sino ba naman hindi diba inaaway away ko tapos ganito ako ngayon.

NGAYON LANG YAN SYEMPRE NAAAWA AKO EH.

"Magpahinga ka muna, mag meryenda ka muna" sabi ko sabay kuha sa kanya ng panlinis at nilagay ko sa isang tabi.

"Mamaya n—"

"Hindi ka pa nagpapahinga, dali na kahit saglit lang" pagpupumilit sa kanya at tsaka ko siya hinila palabas ng kwarto, pinaupo ko muna siya sa may sala at pumunta muna ako sa kusina para ihanda na yung meryenda niyang tinapay at juice hehehe. Pagkatapos bumalik ako doon at nilagay yun sa table

"Kain na" sabi ko at siya naman halata nang naweweirduhan sa pinaggagawa ko.

"Ikaw ba talaga yan Mika?" tngina nito buti nga nagmagandang loob pa ako sa kanya.

"Bakit ayaw mo? edi wag"

"Baka naman may lason ito." Luh luh luh. Ganun ba ako kasama sa paningin niya ha.

"Oy kahit naman nakakagigil ka di ko gagawin yan tsk" pagkasabi ko nan nagsimula na siyang kumain. Oh diba kakain rin naman siya.

Clean | Koo JungmoWhere stories live. Discover now