Araw-araw ang alam nila ngiti lang masaya ako walang kung ano.
Pero sino nga ba ako sa totoong sarili ko...
Kabaligtaran ng tawa,hagikgik,maganda at natural na ngiti na lagi nilang nakikita...
Isa akong tao na hindi man lang marunong magsabi sa aking kapamilya,kaybigan,kapatid, at mahal sa buhay....
Ngunit bakit, dahil ayaw kong nakikita silang nararamdaman ang lungkot ko ang sakit ko kasi may sarili din silang problema at saksi ako sa mga luha nila na pinapalitan ko ng ngiti sa magaganda nilang labi na ang lungkot nila ay mapapawi sa isang salita o ngiti ko lamang... Ganyan ko sila kamahal ayaw ko silang dagdagan ng kahit katiting na problema kasi nasasaktan na sila ayaw kong dumagdag pa.
Ako?... Eto ngingiti aakto na masaya kahit sa kaloob looban ko gustong gusto ko nang umiyak, humagulgol sa bigat ng aking damdamin gusto ko nang sumuko sa buhay sabihan sila ng lahat ng sakin na nararamdaman ko ngunit hindi hindi ko magawa dahil ayaw kong masaktan sila at sila ang taong di ko makapagkatiwalaan lahat ng nasa paligid ko dahil may pumipigil saakin hindi ako kundi damdamin ko kaya...
Kaya...
Kaya... sayo aking talaan aamin ako kahit sayo lamang dahil ako ang tagasulat ng buhay ko at sana damayan mo ako...
