-Lima-

1 1 0
                                    

xx

"May pa brigada pa.Ano tayo?Elementary?Highschool?
Bes,4th year college na tayo.Jusko."asik ni Kathleen.

Ngumisi lang si Nirvana at nagpatuloy sa pag pupunas ng mga cabinet sa magiging room nila.5 days after she got home from Cebu,nagpaenroll na sila agad ng mga kaibigan niyang sina Kathleen at Caspian.

"Ms.Hagupita!Narinig ko 'yon!"

Agad na napalingon sina Caspian at Nirvana sa nakapamewang nilang professor na si Mrs.Kiamco.Napa-peace sign lang si Kathleen bago palihim na umirap at binalikan ang pagwawalis.

"Yan,reklamo pa more.Alam mo namang malakas hearing senses niyang si Madam."si Caspian na maarteng pinapagpagan ang ibang maalikabok na equipments sa Lab dati na ngayo'y gagawin ng classroom nila.

"Isa ka pa Aragon!"rinig na naman nilang sigaw ng guro.

Ngiwing umirap si Caspian habang kumekendeng na naghugas ng kamay sa sink na pinupunasan na ngayon ni Nirvana.Kung ang magkaibigan ay maingay si Nirvana naman ay pangiti-ngiti lang na nagpupunas.She's even humming,na agad napansin ni Caspian.

"Hoy!Babaita,ngiti-ngiti ka jan?Nagiging si Sisa ka na?Hmm?"

That immediately burst Nirvana's bubble.She glared at him while rubbing her arms,where Caspian hit her.

"Tsk.Panira talaga."

Caspian's mouth formed into O.
"Aba!Ginaganyan mo na ako ngayon?"

"Hayaan mo na nga yan,honeycakes.Di madali ang maging inlove!"

"Anong inlove?Kanino?"litong tanong ng kaibigan.

Niligay na ni Kathleen ang walis at dustpan sa tabi.Lumapit na rin siya sa sink para maghugas ng kamay,pagkatapos ay sumandal na rin sa sink kagaya ng dalawang kaibigan.

"Kanino pa ba yan baliw na baliw?Edi kay Vernon."

Baliw na nga siguro si Nirvana,because once she heard his name,bumalik muli ang ngiti niya.Kasabay din doon ang pagtibok ng mabilis ng kanyang puso.She can also feel her cheeks burning!

Even the slight mention of his name makes her insides go wild.

"Nagkabalikan kayo?"gulat na ngayong baling ni Caspian kay Nirvana na ngiti at pagkunot bahagya ng ilong.

"Ew!Kadiri!"diring-diri ito sa pinakita niya.Lumayo ito ng kaunti at si Kathleen na ang binaling,na ngayo'y ngingiting nagtatype sa cellphone nito..She only chuckled while Caspian is pushing her slightly.

"Kadiri..Hoi,Kulot."He tugged Kathleen's curly hair.Nangiggil namang hinabol ng hampas ni Kath ang lumalayong kaibigan.

"Bwesit!Nakikinig naman ako.Required manabunot?"

"Over ka naman!Hina lang nun eh."

"Pasalamat ka talaga.."

"Hagupita.Aragon!"saway muli ng matandang guro.Ang ibang kaklase naman nila ay tinatawanan na sila.Kathleen glared at Caspian.The latter only stuck his tongue out.

"Magtigil na nga kayo.Nakaka strike two na kayo."si Nirvana.

"You still owe me an explanation.Ikawng marupok ka!"si Caspian.

Before Nirvana could even react,Kath tugged her shirt.Excited na excited na marinig ang kwento ng kaibigan.

"Kasi...ganito yun.Diba,nagbreak na kami?'Tas umuwi ako kila mama sa Cebu..tapos.."

"Tapos?"Kath ask indulgently.

"Tapos..ilang linggo ang nakalipas.Di ko inexpect na pupunta sya dun."she pouted,trying to hide her smile.

N I R V A N AWhere stories live. Discover now