Chapter Ten

54 2 0
                                        

[Qiel's POV]

Kakagising lang ni Qiel kaya naman inuna niya muna ang paglilinis sa katawan saka bumaba upang tignan kung gising na rin ba si Fridahlyn. Medyo tanghali na kasi siya nagising dahil wala naman siyang trabaho ngayon. Sa totoo lang ay gusto niya pa matulog pero kahit alas nueve y medya pa lang ay pinilit nyang  bumangon dahil na rin nag-aalala siya na baka di pa kumakain si Fridahlyn... knowing her, baka tuluyan ng masunog ang bahay pag pinabayaan niya ito sa kusina.

Nagulat siya ng makita na may ibang tao sa kanilang salas bukod kay Fridahlyn. Anong meron? bakit may ibang tao dito at nagkalat ang magazines at papel? Nahagip ng tingin niya si Fridahlyn na ngayon ay busy-ing busy sa pagkausap sa isang tao. She's wearing a simple shorts and plain white shirt pero ang ganda ganda niya pa din. Nako. Isa pa ata siyang nahihibang na rin. Nang mapansn naman siya ni Fridalyn ay agad itong lumapit sa kanya.

"Morning Qiel" bati ni sa kanya na sinamahan pa ng ubod ng tamis na ngiti. 

Damn it Fridahlyn... wag mo ngang gagawin sakin yan at baka di ko mapigilan ang sarili ko. Ipinilig ko ang ulo sa naisip.

"What's going on? bakit maraming tao dito?" Tanong niya.

"It's for our wedding preparation."  simple nitong sabi.

"Wedding prepa- WHAT?!"

"Duh! ngayon kasi naka sechedula talaga yun diba? nakalimutan mo lang siguro dahil sa unexpected visitor mo kahapon." yun lang at tumalikod na ito. Kung iba lang siguro ang sitwasyon iisipin niyang nagseselos ito.

"Teka, kumain ka na ba?" biglang tanong niya sa papalayo nang si Fridahlyn.

"Oo. Kung gusto mo kumain ka na rin. Pinagtabi kita doon sa may kusina."

"Ikaw nagluto?" Di nanaman makapaniwalang tanong niya.

"Yup." Medyo mahanging tugon nito. He also saw the smirked on her face.

"Weh?" Pang aasar niya.

"Ang kulit mo! kumain ka na nga dun! May gagawin pa ako oh."

Sungit. Pailing iling na lang siyang pumunta sa kusina at lihim na napangiti ng marinig ang pang aasar ng mga tao sa sala sa kanilang dalawa.

***

Aminin man ni Fridahlyn o hindi, alam niyang nag-eenjoy siya sa ginagawa niya ngayon. Kahit na ba peke at di naman talaga pagmamahal ang naging bunsod ng kasal na ito. She's enjoying picking her wedding dress, making their invitations, and all the things related to wedding.

Sabi nga ng mga event organizer sa kanya ay napaka blooming niya daw at mababakas daw sa kanya ang pagiging in love. Natatawa na lang siya sa mga sinasabi ng mga 'to.

Siya? in love? ganun ba ka-obvious? Shit. san nanggaling yun?

"Eto gusto ko 'to. Saka ito... hmm.. Maganda sana kung light lang ang kulay 'no?" Patuloy siya sa pagkausap sa mga tao roon. Di na nga niya namalayan na nasa tabi niya na pala si Qiel.

Once in a lifetime lang mangyari ito sa buhay ng isang babae kaya sasagarin na niya. Saka nakasaksi na siya ng maraming kasalan kaya alam niya kung gaano kasaya sa pakiramdam iyon.

Ang tanong... mahal ka ba... nakakabwisit talaga ang pasulpot sulpot na subconscious niya.

"Sir, kailan po ba kayo pwede mag fitting?" nagulat naman siya dahil nasa tabi niya na pala si Qiel.

"Anytime soon, just tell me when at ako ng bahala i-cancel ang kung ano mang meron ako sa araw na iyon." sabi nito ng dire-diretso.

"Q-Qiel... Di mo naman kailangan gawin yun... Kung kelan ka na lang pwede..."

When Ms. Troublemaker Meets Mr. Right (ON HOLD)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora