Coleens POV
Unang araw ng pasukan. Akoy nasa unang taon ng aking pag aaral bilang isang Senior High School student. Sa pagtapak ng aking mga paa sa paaralang aking papasukan ay hindi ko maiwasang kabahan at isipin ang mga pwedeng mangyari sa buong taon. Ang aking puso ay malakas na kumakalabog sa posibilidad na maari akong maging isang kahihiyan sa mata ng aking mga magulang, kung hindi ako mapapabilang sa "Honors " . Hindi ko nga rin alam kung bakit gustong gusto nila akong maging isang top student. Sa aking palagay, sapat na siguro na makita nila akong nagsisikap na mag-aral.
"Students, pls proceed to the flag ceremony. Thank you." sabi ng mga speakers na nakakabit sa isang sulok.
Sumabay ako sa mga estudyanteng naglalakad habang naguusap nang malakas. Hindi ko maiwasang makinig sa kanilang usapan.
" Kung ako ang tatanungin, mas pipiliin kong maging isang abugado kaysa doktor." sabi nung babaeng may bangs at mahabang buhok.
"Bakit?" sagot ng kasama nyang may singkit na mata.
"Ewan ko ba, noong bata ko pa kasi yun gusto at hindi na matanggal sa aking isip ang mag abugado"
Mabuti pa siya simula pa nung bata ay alam nya na sa sarili kung ano ba ang kursong nais niyang tahakin. Ako kasi pabago bago ang gusto. Isang araw isang guro. Kinabukasan isang manunulat. At pagkaraan ng isang linggo ay maging isang psychologist. Bago ko nga palang makalimutan nasa HUMSS strand ako sa dahilang ang lahat ng naisip kong kurso na ngayon ay nabura na saking isipan ay may kinalaman sa strand na kinuha ko.
"Bayang Magiliw, handa awit" nagsimula na ang nakatuka sa flag ceremony at nagtuloy tuloy ito hanggang sa matapos at pumunta ang principal ng school sa harapan at nagsimulang magpahayag ng mga batas at mga paalala sa bawat mag-aaral.
Pagkatapos nito ay lumakad na ako patungo sa aming silid aralan. Eto na Coleen kaya mo to!!! Sa pagpasok ko sa silid ay nadatnan ko ang mga taong magiging kasama ko sa aking pag aaral.
"Mukha naman silang mababait" sabi ko saking sarili.
Umupo ako sa bandang unahan para mas marinig ko ang aking guro. Maya maya dumating na sya.
" Good morning class. "
" Goodmorning maam!" masayang bati namin sa kanya.
" Ang aking pangalan ay Samantha Smith at ako ang magiging adviser nyo sa buong school year. Sanay makipag cooperate kayo sa akin. Ok class? Now get a 1/4 sheet of paper and write your whole name."
"Maam 1/4 po?"
-_- Wtf??????
" Kakasabi ko lang diba?" sagot ni Ms. Samantha.
" Hehehehe oo nga po. Penge nga akong 1/4 Criz."
"Ano ba naman yan Miya?!? 1st day na 1st day wala kang paper. Tapos you have your liptint? oh here na oh." at padabog na binigay ito nung babaeng nagngangalang Criz.
" Eto namn masyadong highblood" at nag roll eyes pa sya.
HAHAHAHAHA
Hindi ko napigilan ang aking mga ulo na mapatingin sa kanila. At laking gulat ko na ngumiti silang dalawa sakin. Nasa likod ko lang kasi sila. Mabilis din akong ngumiti at tumingin sa gurong kasalukuyang nagmamasamid samin. Maya maya.
" Okay class, pass your 1/4 now and bubunot ako randomly sa inyo and kindly raise ur hands ha? no need for introductions. Who is Khey Sabado?.
At nagtaas ng kamay ang isang lalaking may katamtaman ang tangkad at kulay ng balat. Makaraan ang ilang minuto ay binanggit na rin ang aking pangalan.
" Coleen Ramirez?"
Tinaas ko ang aking kanang kamay at bigla syang nagtanong.
" Kilala mo ba si Zane Ramirez?"
"Opo, mommy ko po sya."
"Okay." at malapad syang ngumiti sakin.
Pagtapos nyang magbanggit ng mga pangalan. Sinambit nya ang mga polisiya at mga hindi nararapat gawin sa loob ng silid. Madali syang natapos at nag pa early dismissal pa. Balak ko lamang magbasa ng Wattpad subalit may umistorbo sakin.
" Hi Coleen! Gusto mo bang sumabay sa amin papuntang Canteen?"
" Hindi na, dito lang ako" sabay ngiti
" Naku ang boring naman kung if youll just stay here lets go to the Canteen and buy maraming foods taralets!!!!"
Sila nga pala yung mga maiingay kanina. Sina Criz at Miya.
" Sige na nga."
"Lezgoooo!!" sabi ni Miya.
Ang lakas ng enerhiya ni Miya. Isa syang masayahing tao. Si Criz naman ay may pagka conyo at may kaunting ingay sa katawan subalit talagang mas maingay si Miya.
"Super daming tao. So siksikan and hot." Nagkunwaring pumaypay pa gamit ang mga si Criza.
"Sorry Criza, im hot kasi eh."
" Hmmp, you look like demon kasi eh! Hahaha!!" Criza
"A beautiful demon indeed" sagot ni Miya.
Namangha ako sa sagutan ng dalawang magkakaibigan. Noong nasa sekondarya palang kasi ako ay wala akong naging kaibigan. Hindi dahil sa mahiyain ako, kundi mailap lang talaga ako sa mga tao. Sa recitation nga ay minsan kahit na alam ko na ang kasagutan sa tanong ng aming guro ay hindi ko itinataas ang aking kamay upang sumagot, dahil natatakot ako sa pwedeng sabihin ng aking mga nagtatalinuhang kaklase. Kaya sa mga pagsusulit ay sinisikap kong mapataas ang aking mga grado. At naging maganda naman ang naging resulta nito subalit meron pa ring masasabi ang mga taong nakapalibot sa iyo. Hindi mo na talaga siguro maiiwasan iyun pero mahirap nalang na manatiling tahimik kung ikay napapahiya na pero wala naman akong karapatan diba?
" Hello? Hello? Coleen? Are you still with us? We are calling you kanina pa and hindi mo naman kami pinapansin. Huhuhu angry kaba samin? Like because of our sigaw sigaw part kanina? Im sorry." sabi ni Miya
"Hindi. Hindi. May naisip lang kasi ako."
"Sure ka ba na u are ok?"
" Oo."
" Sige sigeee lets buy foods na." criz.
Bumili ako ng isang tsokolateng cake at tubig para sa aking inumin. Si Miya naman ay isang Lasagna at kay Criz ay dalawang pirasong kulay pink na cupcakes. Umupo kami sa bakanteng upuan at nagsimula nila akong kausapin.
" Coleen, what school ka from?" Criz
" Sa Mainland High. Malapit lang dito. Kayo saang paaralan ba kayo galing?
"Ha? same lang tayo ng school ah. Pero never pa tayong nagkasalubong. Gosh!" Miya
" Masyadong malaki kasi talaga ang paaralang iyon" sagot ko naman.
" Sa sobrang laki eh dumami din ang population ng mga mayayabang at mga malalaki ang ulo. Tsk tsk tsk." Miya
" Lumaki kasi silang spoiled masyado sa mga parents nila. I dont know nga if they know how to hugas the plate duh!"
" HAHAHAHAHA coming from you Criz ha? Eh ilang plates na nga yung nabasag mo nung pumunta tayong kayla Chelo diba?"
" I hate you Miya!!!!!"
Natawa ako nang bahagya sa inasta ng dalawa. Nagmula lamang ito sa pagtatanong kung saang paaralan ako galing tapos ngayon ay napunta sa mga pinggan. Natapos ang bangayan ng dalawa at bumalik na kami sa aming silid. Minutong nakalipas ay dumating na ang aming guro.
" Good morning class. My name is Lester Quijano. 28 years old. Your teacher in _________ class. And one thing that I hate the most is late students. And wanna know class whats the punishment once youre late on my class? let me demonstrate it to all of you.Mr. Whatever come here.
Pumasok ang isang lalaki at bahagyang lumaki ang aking mga mata sa aking nakita. Bakit? Bakit yan nandito?
Hindi! Hindi maari bakit ka pa nagpakita? Pilit na kitang binaon sa nakaraan. Pilit na kitang binura sa aking alaala. Tinanggal na kita sa aking araw araw na buhay.
Bakit?
Thank you for reading guysue!!!
Sorry sa mga typo and wrong grammar. hehehe
